"Happy birthday, Baby!" Kuya King kissed my cheeks.
Binati din ako nila Mommy at Daddy. Too bad Levi can't come home. Masyado siyang busy sa school pero hindi naman niya nakaligtaang tawagan ako upang batiin.
"Dalaga na ang anak ko." halakhak ni Dad sabay yakap ng mahigpit sa akin.
"But I'm still your little princess, right?" tanong ko naman sa kanya.
Natawa siya at kumalas sa yakap. "Of course. You'll always be." He assured.
Mom hugged me too at sobrang nag uumapaw ang saya ko nang ginawa niya iyon. "I love you." mahinang sabi niya.
"I love you too, Mom." sagot ko. Malungkot siyang ngumiti na ipinagtaka ko. "What's the problem?"
"Nothing. I'm just happy. Parang kailan lang noong maliit ka pa. Now, you're already 17."
"Well, time flies so fast." ngiti ko sa kanya.
"Indeed." utas niya.
Sabi ni Kuya King ay dadaan siya sa school namin kaya sa kanya na ako sumabay pagpasok.
"Gagawin mo dun? Girl hunting?" pang aasar ko sa kanya nang makapasok kami sa sasakyan.
"Nope." pinaandar niya ang sasakyan at tulyan na kaming nakaalis. "I will meet Angel."
Pinanigkitan ko siya ng mata. Nakangiti siya at hindi niya parin inaalis ang tingin niya sa daan. "What's with that smile? You up to something?" mapang usisang tanong ko.
Umiling siya. "Hey, I know what you're thinking." saglit niya akong tinignan bago bilalik ang mata sa daan. "I'm not trying to win her back. I'll just give her phone."
"What phone?"
May kung ano siyang kinuha sa bulsa niya at ibinigay sa akin. Then I saw a familiar phone. It was the one that Ches usually use.
"Why do you have her phone?" nagtatakang tanong ko.
"I was on my way home when I saw her waiting for a cab. Being a Good Samaritan, I gave her a ride. It's too late when I noticed that she left her phone here in my car. That's why I'm returning it today." paliwanag niya.
Napatango nalang ako. Gusto ko mang magprotesta sa sinabi niyang Good Samaritan siya kasi halata namang nag take advantage siya dahil kung tutuusin pwede niya naman itong ipaabot nalang sakin, hindi ko na ginawa para di humaba ang usapan.
I glanced at Ches' phone. I was tempted to open it.
And I did.
Mukhang chinarge ito ni Kuya King dahil puno pa ang battery nito. I entered the pin code—her birthday and it opened.
I smiled when I saw her wallpaper. Picture naming tatlo nila Blair noong grade 7 kami. Nasa gitna namin siya ni Blair at hirap siyang nakaakbay sa amin. Ang liit niya kasi.
Nagbrowse ako sa gallery niya at halos lahat ng pictures doon ay mga group pictures namin. May mga iilan din na selfie niya at mga pictures nila ni Blair. Napataas ang kilay ko nang may nakita akong album na may pangalang "Josh". Binuksan ko ito at tumambad sa akin ang napakarami nilang pictures noong sila pa. Meron ding mga iilang pictures na kailan lang kinuha. Napangisi ako. Akala ko ba wala na kayo, Chesly?
When I opend its mobile data, nagsidatingan ang mga mensahe sa kanyang messenger. I know I shouldn't be doing it, but I don't know what happened. I just found myself browsing her messages.
Puro mga kaklase namin o di kaya sila Blair lang ang kachat niya. Nakita ko din ang pangalan ni Zyan Montero, pero hindi ko ito binuksan.
Napakurap ako nang may nakita akong group chat at si Ian ang huling nagchat. Maybe gc nila para sa isang group project? Di ako madalas mag online pero wala akong naaalalang kasali ako sa ganito.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...