Nagising ako sa maingay na tunog ng bwisit na alarm sa phone ko. Gusto ko pang matulog pero kailangan ko nang bumangon dahil nakapangako ako kay Jay na sasama ako sa lakad nilang magkakapatid.
Pinatay ko ang bwisit na alarm at tinignan ang oras. Halos nakapikit pa ang isang mata ko sa antok.
8:00 AM?
Ugh! First Sunday that I woke up so damn early!
Nagtext si Reev sa akin kaninang 2 AM na aalis kami ng 10. Yes, nabasa ko pa dahil gising pa ako nang mga oras na yun. Hindi ako makatulog. Mga alas tres na ata nang dalawin ako ng antok. Hindi ako sanay na kulang ang tulog ko kaya naiinis ako ngayon.
Bumangon ako ng kama at bumuntong hininga.
This is for Jay, Res. Do it for Jay.
Naligo ako at nag-ayos ng sarili. Ang tagal ko pang nag-isip kung mag sho-shorts ba ako o jeans pero sa huli ay nagpagpasyahan kong mag jeans nalang. Para kahit papaano ay medyo pormal kahit na mas kumportable ako sa shorts. Tinernohan ko ito ng simpleng puting off shoulders at flats.
Humarap ako sa salamin. Hindi masyadong makapal ang makeup ko ngayon hindi tulad ng nakasanayan ko. Hinawi ako ang takas na buhok sa aking mukha at napabuga ng hangin. Ilang beses akong napakurap sa harap ng salamin. Parang hindi ako kuntento sa itsura ko.
Oh damn.
Marahas kong ipinilig ang aking ulo.
Sila nerd lang naman ang kasama mo, Res. That's enough. Hindi mo na kailangang mag-ayos ng sobra.
Napabuga uli ako ng hangin. Narinig kong may kumatok sa pinto ng kwarto ko kaya naman agad ko itong tinungo at binuksan. Bumungad sa akin si Manang Linda na nakangiti.
"May naghahanap sayo sa baba. Yung kaibigan niyo ng pinsan mo, si Linden."
Tipid akong ngumiti. "Thanks, Manang. Tell him I'm coming."
Tumango si Manang at umalis. Agad ko namang kinuha ang hand bag ko at sumunod na din. Pagka baba ko ng hagdan, nakita ko agad yung apat na magkakapatid na naghihintay sa akin sa sala.
As usual, nakabusangot uli yung bunso nila habang nakahalukipkip. May sinasabi si Jay dito pero parang hindi siya nakikinig.
Si Hannah naman ay seryosong nakatingin sa harap ng kanyang cellphone.
Nakatulala naman si Reev sa harap ng TV na nakapatay naman habang marahan niyang kinakagat ang kanyang ibabang labi.
Napalunok ako. "Good morning." bati ko sa kanila nang makalapit ako. "Let's go?" ngumiti ako ng matamis sa mga bata.
Puyat man, kailangan kong umayos. Sabit lang ako dito kaya naman dapat ay hindi ako maging pabigat sa kanila.
Napatayo silang lahat at binati ako maliban syempre kay Raven na tumalikod lang at dumeretso sa pinto.
"Sorry kay Ven, Larinae. Nakabusangot lang talaga yun, pero kanina pa siya excited. Tara na."
Ngumiti ng matamis sa akin si Reev na agad ko namang sinuklian. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang maexcite. Ngayon lang nag sink in sa utak ko na sa isang Amusement Park kami pupunta. Ang lugar kung saan matagal ko nang pinapangarap puntahan kasama sila Mom at Dad. Funny, ibang tao pa ang mga makakasama ko. Pero ayos lang, dahil sigurado akong mage-enjoy naman akong kasama itong magkakapatid.
"Larinae, nag-almusal ka na?"
Napalingon ako kay Reev nang bigla siyang nagtanong. Tumango ako sa kanya.
"Yeah. Manang prepared my breakfast earlier. Why? Hindi pa ba kayo nag-almusal?" kunot-noong tanong ko.
Ngumiti siya. "Tapos na. Akala ko kasi hindi ka pa nakapag-almusal. Naiimagine ko kasing late kang nagising at nagmadali ka lang mag-ayos kaya hindi ka na nakakain." tawa niya.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...