Chapter 39

401 20 0
                                    

"I knew it! Hindi parin tayo makakaalis ng maaga."

"Shhhh. Huwag kang maingay, Ches. Baka magising mo siya."

"Hindi ba yun naman ang dapat na ginawa natin kanina pa? Gosh! Gumising tayo ng maaga para maaga tayong makarating sa pupuntahan natin. Pero tignan mo itong pinsan mo? Tulog pa!"

Gising na ako pero hindi pa nagfafunction ng maayos ang utak ko. I'm still sleepy. At sobrang ingay ni Ches. Walang hindi magigising sa boses niya. Hindi ko sila pinansin. I still need more sleep dahil napuyat ako kagabi.

"Just wake her up when I'm done packing her things. Tabihan mo muna siya diyan sa kama at mag Facebook."

"What? Ayoko nga! Baka masakal ko pa yan eh. Hindi tayo papasok sa school dahil dito pero mukhang late tayong aalis dahil nakatulog parin siya hanggang ngayon!"

"Oo na. Oo na. Saglit nalang to. Ako na ang gigising sa kanya."

"Bakit ba kasi ikaw ang gumagawa niyan? Hindi ka naman niya yaya! At alam niyang aalis tayo, dapat nag-ayos na siya ng gamit kagabi pa!"

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Nakakarindi na talaga ang boses ni Ches. Kaunti nalang talaga, masisigawan ko na siya.

Narinig ko ang paghalakhak ni Blair at ang pag-sara ng zipper ng bag. "Baka magising si Kuya King na nasa kabilang kwarto kung patuloy ka parin sa pag-iingay. Baka mahirapan na tayong takasan siya. Buti na nga lang tulog mantika si Kuya Joshua at magkalayo ang kwarto namin kaya hindi niya alam na umalis na ako ng bahay."

"Whatever. Basta gisingin mo na yang tulog mantika mong pinsan na katulad ng letse mong kapatid. Parehong pareho talaga sila. Mga sakit sa ulo!"

Natawa ako sa sinabing yun ni Ches. Kasabay nun ang pagmulat ng mga mata ko. Nakita ko si Blair na nakaupo sa sahig habang kaharap ang travel bag ko at si Ches na nakaupo sa gilid ng kama habang nakacrossed arms at masama ang tingin sa akin.

Pareho silang naka shorts at blouse. Mukhang ready na talaga silang umalis. Samantalang ako ay puno pa ng muta ang mata.

"Ang aga aga, ang init agad ng ulo mo, Ches. Ayan, nagising na tuloy siya dahil sa sobrang ingay mo." sabi pa uli Blair.

Bumangon ako sa kama at binati sila. "Good morning!" masayang sabi ko.

"Good na sana ang morning kung mas maaga kang nagising. Panira ka ng plano, Resort Larinae." umirap sa akin si Ches.

Nginisian ko siya. "And you're already ruining my day, Chesly Angela. Ang ingay ingay mo."

Kumunot ang noo niya at tinignan ako ng masama. "Stop calling me 'Chesly Angela'! Ugh!"

"Why? You hate your whole name now, Chesly Angela?" natatawang tanong ko na lalong nagpa-inis sa kanya.

"Oo, kapag ikaw ang bumabanggit! Nakakainis ka!" sigaw niya sa akin.

Lately, napapansin ko ang pagiging masungit at moody niya. Napatulala ako sa kanya nang may ideyang pumasok sa isip ko. Hindi kaya...

No, that can't be!

"Ches." tawag ko sa kanya sa seryosong tono.

Napatingin siya sa akin at agad na nag-laho ang pagka-inis sa mukha niya nang makita akong seryoso.

"Oh?"

Napalunok ako. "Napansin ko lang na nagiging moody ka lately. Ugh... Are you pregnant?"

Natigilan siya sa tanong ko at ilang segundong napatulala. Maging si Blair ay napatulala sa akin. Nang makabawi siya sa gulat ay lumapit siya sa akin ng seryoso ang mukha.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon