Chapter 38

403 18 1
                                    

"This thing is so cool!" sigaw ko.

Tumingin sa akin ang mga magulang ng mga batang kasama kong nakasakay sa Carousel. Nanonood lang sila sa baba at hinihintay matapos ang pag-ikot nito. Nandun din sila Hannah at Reev na parehong tumatawa habang nakatingin sa akin.

Yes, hindi sila sumakay. Ako, si Jay at Ven lang ang sumakay dito dahil sabi nila, pangbata lang daw ito. But I don't care. I didn't have the chance to ride on this when I was a kid that's why I badly want to try. Hindi din naman umalma yung nagbabantay dahil hindi lang naman ako ang hindi na batang gustong sumubok.

Hindi na matanggal ang ngiti sa labi ko habang patuloy parin sa pag-ikot ang mga kabayo. I already tried horseback riding before dahil sinama ako ni Joshua. And I can say that the feeling is so different. Mas enjoy sumakay sa bagay na ito.

"Kumapit kang mabuti, Larinae! Baka mahulog ka!" tumatawang sigaw nung nerd habang nakatingin sa akin.

Inirapan ko siya at tumingin nalang sa ibang direksyon. I'm enjoying and I won't let him ruin my good mood.

"Ate Res, malapit na uli matapos! Baka gusto mo ulit umulit?!"

Hindi ko rin pinansin ang tumatawang si Hannah. Pangatlong beses ko na ito ngayon pero parang ayaw ko paring bunaba. This is the best feeling ever! Next time, yayayain kong pumunta sila Ches at Blair. O kahit si Joshua.

Itinatak ko na din sa isip ko na huwag na muling sumakay sa Vikings na yan. Ayaw kong maranasan pa ulit na mamatay sa pangalawang beses. Once is enough!

Nang tumigil ang Carousel sa pag-ikot, halos sabay na bumaba sila Ven at Jay. Napasimangot ako at kahit na labag sa loob ko, bumaba na din ako sa kabayo at nagtungo sa magkakapatid.

"Bitin ba, Missy?"

Sinamaan ko ng tingin si Reev at inirapan. "Shut up."

Tumawa lang siya at ginulo ang buhok. Sumakay kami sa iba pang mga rides. Wala akong tigil sa pagtili at pag-sigaw sa bawat masakyan namin.

Ang saya ko. Sobra. Ngayon alam ko na ang pakiramdam ng makapunta sa Amusement Park. Ngayon alam ko na kung ano ang mga naramdaman nila Ches at Blair noon tuwing nagkwekwento sila.

But would it be better kapag pamilya ko ang kasama ko?

I shook my head. At least naranasan ko ngayon. Hindi na dapat ako humiling ng mga imposibleng mangyari. I'm so glad that I met these people. Mas nagkaroon pa ng kulay ang boring kong buhay.

Napatingin ako sa tumatawang si Reev. Nakasakay kaming dalawa ngayon sa Octopus Ride. As usual, sigaw nanaman ako ng sigaw habang siya naman ay tinatawanan ako. Nag-iwas ako ng tingin at bahagyang napangiti.

--

"Gusto mong subukan yan?" turo ni Reev sa Drop Tower.

Agad akong umiling. Mukhang mas nakakamatay pa yan kaysa sa Vikings.

"Eh yan?" turo niya naman sa Space Shuttle.

Umiling ulit ako.

"Gusto ko dun!"

Napalingon kaming lahat kay Ven nang ituro niyang Horror House. Woah, hindi ko yun napansin kanina. Meron din palang ganyan sa mga Amusement Parks? Cool!

"Baka nakakatakot diyan, Ven! Dun nalang tayo!" tinuro ni Jay yung Kangaroo Jump.

"Mas nakakatakot diyan, Kuya!" giit ni Ven.

Matapos ang ilang minutong pagtatalo nung dalawa, I mean apat dahil nakisali sila Reev at Hannah, napagpasyahan naming sa Horror House muna.

Syempre, laging panalo ang mga mas bata. Nag-agree si Reev kay Jay na sa Kangaroo Jump nalang samantalang sumang-ayon naman si Hannah kay Ven. Sa huli, panalo sila Hannah at Ven at nakasimangot naman yung dalawa.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon