Chapter 26

416 26 4
                                    

"I-Ian... I-I..."

I don't know what to say. Nakangiti parin siya sa akin habang hinihintay ang magiging sagot ko. Now this is trouble. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkagulat nang sabihin niyang gusto niya ako and now, here he is. Asking if he can court me. Ito na nga ba ang kinakatakutan ko. I don't want to hurt him pero kailangan ko siyang ireject.

It's was so easy for me to reject the guys who were courting me before, but this is different. He's my friend, at ayaw kong magkalamat ang pagkakaibigan namin. Idagdag pa na ang taong gusto ko— ay ang best friend niya.

Hindi ko alam kung saan napunta ang tapang ko ngayon. I want the old Res back just for this moment so I can have the courage to turn him down.

Tumaas ang isang kilay ko nang bigla nalang siyang tumawa ng malakas at ginulo ang buhok ko. Nababaliw na ba ang isang to? Sa totoo lang, ang sarap niyang batukan ngayon dahil sa paraan ng pagtawa niya.

"Why are you laughing?" masungit na tanong ko habang inaayos yung buhok kong ginulo niya.

"Matagal na kitang kilala at laging yung masungit mong mukha ang nakikita ko. Naninibago akong makita kang mukhang confused at hindi alam ang gagawin." natatawang sagot niya.

It's because of you, idiot!

Yan ang gusto kong isagot pero mas pinili ko nalang na irapan siya.

This guy! Kung hindi lang talaga siya best friend ni Lexus, kanina ko pa siya namurder! Nakakainis siya! Pagkatapos niyang guluhin ang isip ko, ngayon tatawanan niya ako? Ugh!

Mula sa pagtawa ay bigla muling sumeryoso ang mukha niya. May saltik na ba ito?

Unti-unti siyang lumapit sa akin habang ako naman ay napataas ang kilay. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tinignan ako ng diretso sa mata.

"I like you, Resort Larinae." sambit niya.

Ilang beses akong napalunok. Gusto kong iiwas ang tingin ko sa kanya pero hindi ko magawa. Ano ba itong pinasok ko? Oh no! I mean, ano ba itong napasok ko?

"I like you, and I'm serious." muli niyang sabi. "Hindi ko alam kung saan at kailan nagsimula. Basta nagising nalang ako isang araw na alam kong gusto na kita." wika niya ng nakangiti.

Sebastian Alonzo is one of the kindest person I've ever met. He's a good friend and I know that I can depend on him. Pero kahit anong gawin ko, alam ko sa sarili kong kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.

Bakit ba kasi nagkaganito?

Pwede bang bumalik nalang kami sa dati?

Nang sa ganun, maging maayos ang lahat.

"I don't care if you're a bitch or what. I don't even know why they keep on calling you 'bitch' kahit hindi ka naman ganun. At narinig ko kay Ches na hindi ka pa naman nagkaboyfriend. Wala akong pakialam kung madalas ay nagsusungit ka. Yun ang nagustuhan ko sayo. Yun yung Res na nakilala at nagustuhan ko." pagpapatuloy pa niya.

Merong part sa akin na ayaw maniwala sa mga sinasabi niya. Kakabreak palang nila ng girlfriend niya nung kailan pero heto siya. Umaamin na gusto ko niya ako. Parang ayaw tanggapin ng utak ko ang mga sinasabi niya.

Nanatili parin akong tahimik na nakikinig sa kanya. Hindi ko kasi alam kung ano ang sasabihin ko.

"Napipi ka na ba?" tanong niya at tumawa.

Inirapan ko siya at hinampas sa braso. Tama siya, mukhang napipi na nga ako dahil di ako makapagsalita. Damn! What's happening to me?

Napatingin ako sa pinto ng SC Office. Si Nerdy Reev naman talaga ang pinunta ko dito. Bakit kasi kailangan pa akong samahan nitong si Ian? Ugh!

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon