Chapter 49

409 13 1
                                    

"Kuya what's going on? Why is Mommy crying?"

"Let's go to your room, Zee. Mommy and Ate Res needs to talk about something." sagot ni Seph sa karga kargang kapatid bago tuluyang humakbang palayo.

Nanatili lang namang nakatingin sa akin si Aian gamit ang malungkot na mga mata, pero di nagtagal ay sumumod din siya sa mga kapatid niya.

Kapatid... Napakagat ako sa aking labi at tumingin sa taong nasa harap ko ngayon. She's crying but it doesn't make her less beautiful. I closed my eyes and tried to compose myself. This is the perfect time to know everything. Kung hindi kayang sagutin nila Mommy at Daddy ang mga tanong ko, maybe Mrs. Montero can.

"Pwede niyo po bang ipaliwanag sa akin ang lahat, Madame?" tanong ko habang nakayuko. "Alam kong alam niyo na po kung ano ang tinutukoy ko." dagdag ko pa.

Napaka dami kong katanungan sa isip. If she's my real mother, bakit kay Mommy ako lumaki? Who is my father? Bakit niya ako iniwan? Kapatid ko ba sila Aian?

"Leviticus and I were childhood sweethearts." panimula niya na ikinalaglag ng panga ko. Si Daddy? "Mahal namin ang isa't isa, kaya naman nang tumuntong kami sa kolehiyo ay sinagot ko siya. Maayos ang naging pagsasama namin… hanggang sa isang araw, nalaman ko na ipinagkasundo pala ako ng magulang ko sa anak ng kasosyo namin sa negosyo. I objected, of course. Mahal ko si Leviticus at alam iyon ng mga magulang ko, pero hindi nila ako pinagbigyan. Dahil ako ang panganay at madalas magrebelde si Vanna noon, wala na akong nagawa kundi sumunod." napaangat ako ng tingin nang mabanggit ang pangalan ni M-Mommy.

So they're siblings. Ang daming ideyang tumatakbo sa utak ko ngayon. Medyo sumasakit na din ang ulo ko sa mga nalalaman ko. Pero kahit ganun, nangingibabaw parin ang kagustuhan kong maliwanagan. Hinayaan ko siyang magpatuloy.

"I can't fail them. I love my parents so much. I broke up with Leviticus. Aaminin kong naging duwag ako noon at hindi ko siya nagawang maipaglaban. I married my sons' father for the sake of business. Pero nangako kami sa isa't isa na kapag hindi nagwork ang marriage namin, we'll set each other free. Doon, nagkaroon ako ng pag-asa na makakasama ko ulit ang Daddy mo." pinunasan niya ang kanyang mga luha gamit ang nga kamay.

I swallowed hard as I try not to cry. So Dad is really my Dad. Pinunasan ko din ang mga luha ko. But how did it happen? If she's married that time, and I'm sure meron na din si Levi, paano nangyari ang lahat? Did they cheat on their partners?

"Pero dalawang buwan palang kaming nagsasama ni Dion, ng asawa ko, nalaman kong buntis si Vanna at si Leviticus ang ama. Alam kong wala akong karapatan para magalit at husgaan sila. In the first place, ako naman ang bumitaw, ako ang umalis. Pero hindi ko maiwasang hindi masaktan. Hindi pa nakakagraduate ng kolehiyo si Vanna nang mabuntis siya, kaya naman itinakwil siya ng mga magulang namin. Sumama ako kay Dion sa Amerika upang makalimutan ang lahat at nagsimula din kami ng pamilya. Habang tumatagal ay nahulog din ang loob namin sa isa't isa."

I felt a lump on my throat. That's why I didn't met my grandparents on Mom's side. Pero hindi ko maiwasang hindi mainis. How could they do that to their own daughter? Just because of a single mistake, they disowned her! Hindi ko maimagine ang hirap na dinanas ni Mommy. She look so though and brave. Hindi ko akalaing ganun ang dinanas niya. I can't imagine myself being disowned like that. Yes, Mom may be distant and cold to me before. It was hard, it was painful. Pero ang palayasin at kalimutan? Hindi ko yata kakayanin yun.

"If you love your husband and Dad and M-Mom already started a family, h-how did I happen?" naluluhang tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Ayokong maging mapangusisa at bastos, pero gusto ko talagang maliwanagan. Meron naman siguro akong karapatang malaman ang lahat, diba? After all, I'm the most affected here. I'm the root of all of these. Damn it.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon