Epilogue

965 27 7
                                    

"Ate, wake up! You need to gising na!" nagtalukbong ako ng kumot pero agad ding hinila ni Zee. "Ate!"

"Zee, 5 more minutes please. Ate is still sleepy." inaantok na sabi ko.

Puyat ako kagabi dahil nagkaroon kami ng pre-celebration sa bahay nila Blair para sa graduation namin mamaya. Tapos hetong kapatid ko, grabe kung makapang-gulo.

"No! It's siblings day! Wake up now or I will sumbong you to Mommy!"

Ang ingay talaga ng batang to! Kung bakit kasi sinundo pa ako ni Aian kila Blair kagabi para dito sa condo niya matulog. Pwede naman akong magstay dun eh. Actually, lahat sila doon nagstay. Ako lang itong umalis dahil sa pagiging possessive sa akin ng mga kapatid ko.

Kapilitang bumangon ako. Nakita ko si Zee na bihis na bihis na. It's Saturday, at tuwing sabado ay lumalabas kaming apat para gumala sa mall at manood ng movie. Nagsimula ito nang wala nang Saturday classes yung dalawa, hanggang sa nakagawian na. At kahit graduation namin mamayang gabi ay wala parin akong takas.

"Good morning, Zee." bati ko sa kapatid kong naka crossed arms pa habang nakatingin ng masama sa akin.

"It's tanghali already, Ate! You need to go ligo!" sigaw niya sa akin. "And don't tawag me Zee. It's Zarren!"

I glanced at the wall clock. 8 AM, huh? Damn! Mamamatay na ako nito. Asan ang tanghali diyan?

"Ahuh?" natatawa ko siyang hinila sa kama tsaka kiniliti. "Straight tagalog, Zee. Not one tagalog word per sentence."

"S-Stop, Ate. It tickles!" sigaw niya habang tatawa tawa.

Sinasanay namin siyang magtagalog dahil nang unang araw niya sa klase last year, nabully siya. Hindi niya naiintindihan ang sinasabi ng mga kaklase niya. Nakakaintindi naman na siya ngayon, pero di pa siya sanay magsalita.

"Wait for me outside, okay? I'll just take a bath." wika ko.

Nakabusangot naman siyang tumango at lumabas ng kwarto. He's almost 6, at ang laki ng itinangkad niya sa loob ng mahigit isang taon. Ayaw na niyang patawag sa palayaw niya dahil pambata daw. Pero kahit tumanda pa siya ng ilang taon, he's still my cute little Zee. Di na magbabago iyon.

Napakaraming nagbago nitong nagdaang taon. Mas lalo akong naging close sa mga kapatid ko. Every weekend ay sa mansyon nila ako umuuwi, at nakila Mommy naman ako tuwing weekdays dahil may klase.

Everything is doing well with my family. Levi and my cousins were shocked nang malaman nila ang lahat, pero unti-unti din naman nilang natanggap. Last Christmas, we spend the vacation on our grandparents' place. Sa magulang nila Mommy. Noong una ay natakot ako sa kanila dahil sa ginawa nila dati kay Mom, pero mabilis naman namin silang nakagaanan ng loob ni Levi. Ayos na si Mommy sa parents niya at kay Mama—yun na ang tawag ko kay Mrs. Montero ngayon. Nakilala ko na din ang asawa niyang si Uncle Dion at nagsorry ito sa akin. We're close now. Para tuloy akong nagkaroon ng dalawang magulang.

As for Blair, she's getting better day by day na lubos kong ipinagpapasalamat. Her body is positively reacting to the medications. At mabuti nalang din at makakasabay namin siyang grumaduate. Chesly is still crazy, at di rin nagbago yung tatlong lalaki.

Uh, well, Reev became sweeter tho. Tinotoo niya yung sinabi niyang liligawan din niya ang buong angkan ko. Hinarap niya sila Mommy, Daddy, Levi at mga pinsan ko. Ganun din sila Mama, Uncle Dion, Seph, Aian at Zee. At lahat sila ay boto dito. Pinipilit nga ako ni Blair noon pa na sagutin na si Reev, pero sinabi kong may tamang panahon para dun.

Nang maayos ko na ang sarili ko, lumabas ako ng kwarto. Nadatnan ko yung tatlo na pawang mga nakabusangot na nakasalampak sa couch.

"Hey, handsome gentlemen." bungad ko sa kanila.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon