Chapter 8

477 18 1
                                    

"So... Kailan kayo aalis?"

Naibuga ni Joshua ang tubig na iniinom niya dahil sa tanong ko. Napatigil naman sa pag kain yung iba at tinignan ako ng masama. Tanging si Levi lang ang halos walang naging reaksyon. I bet, alam na niyang itatanong ko yun.

"Kakauwi lang namin, tapos gusto mo na agad kaming umalis? Res naman!" kunwaring galit na sigaw ni Joshua.

"You're really hurting me Baby Girl. Why so mean?"

Paawa effect pa tong si Kuya Samuel. As if naman uubra sa akin ang mga drama niya.

"Siguro may tinatago ka talaga. Siguraduhin mo lang na hindi ko kayo mahuhuli ng boyfriend mo Res. Kung ayaw mong basagin ko ang bungo niya." seryoso sabi ni Kuya Genesis.

"Wala nga kasi akong boyfriend, Kuya! I'm just asking! Masama na bang magtanong? And you, Kuya Samuel! You're in the Philippines! Wala ka sa America kaya magtagalog ka!"

Naiinis na talaga ako sa presensya nila! Ang sarap nilang pag-untuging lahat! Napasulyap ako kay Kuya King. Nagtaka ako nang makita kong panay ang kalikot niya sa cellphone niya. Kanina pa yan, simula nang ibalik ko ang phone niya. He's really acting weird simula nang makabalik siya. And he keeps on saying that he's falling.

Falling for what?

Or maybe, who?

Tss. Malabo. Knowing him? Na puro pambababae lang ang alam? Malabo talaga. Siguro nahulog talaga siya kung saan at nabagok ang ulo niya kaya siya nagkakaganito.

"Why so sungit? May dalaw ka?" natatawang sabi ni Joshua.

Ugh! Nakakagigil sila!

"Calm down, Res. Kuya is right, kauuwi palang nila tapos parang gusto mo na silang umalis? Minsan na ngalang tayo makumpleto. At aalis din naman agad ang mga yan, kaya wag ka nang mag-alala. Tatahimik din ang mga buhay natin."

"I don't know if what you said is good or not, Bunso. You're just like Baby Girl! You're both mean!"

"You look like a child Sam. Stop it. Sa tingin ko may tinatago talaga ang dalawang yan. Hintayin lang nila, malalaman ko din kung ano yun."

Mukhang kumbinsido talaga si Kuya Genesis na may tinatago ako o kami sa kanila kahit na sa totoo lang ay wala naman talaga. Ayaw ko lang makasama ng matagal si Levi at ayaw kong magkita sila Joshua at Ches. Not now.

Ilang beses na ba nangyari to? Yung kumpleto kaming pito na nagsasalo-salong kumain? Tatlo? Dalawa? O baka naman ito ang una? Hindi ko alam. Minsan lang talaga mangyari ito. Madalas kasi, kapag magkakasama kaming lahat, nagkakaroon ng division. Magkakasama ang mga lalaki, at kami naman ni Blair ang magkasama.

Napakarare na makitang nandito kaming lahat na nasa tapat ng mesa at kumakain ng dinner. Pero hindi ko naman ito hiniling. Sana umalis na sila.

"Come to think of it, guys." napatingin kaming lahat kay Kuya King na bigla nalang nagsalita. Seryoso siya habang nakatingin parin sa phone niya pero humarap din siya sa amin. "Since I was a child, my life is already in US. I'm pure Filipino but I know nothing about our culture. If I'm not mistaken, my longest stay here is just 1 week."

Ano bang sinasabi ng babaerong to? Tuluyan na ba siyang nasisiraan ng bait?

"Bro, are you in drugs?" tanong ng kapatid niya.

He shook his head. "Of course not,  Kuya. I'm just stating a fact. And because of that, I made a decision." ngumisi siya at tinignan kami isa isa. Nanatili lang kaming tahimik na naghihintay sa mga susunod niyang sasabihin. "I will stay here."

Halos mapanganga kaming lahat sa sinabi niya. Stay? Dito sa Pilipinas? Nagbibiro ba siya?

"Yung totoo? Nakahithit ka ba? Hoy King! Isang linggo lang tayo dito at wag mo nang pangaraping magextend. At siguradong hindi papayag sila Tito at Tita diyan sa kalokohan mo."

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon