Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Sa sobrang lutang ko dahil sa nangyari ay napaupo nalang ako sa pinakamalapit na couch.
Damn. Shit. Fuck.
What did just happen?!
My first kiss.
My precious first kiss just lost because of that damn bag and to that freaking nerd!
Am I dreaming?
Kasi kung oo, gusto ko nang magising ngayon palang.
This is insane!
Halos mapaiyak na ako dahil sa frustration. It's just a kiss. I shouldn't be affected this much.
But damn! Since I was a kiss, I already dreaming for my first kiss to be magical. And I want to give it to the man I love.
Pero anong nangyari ngayon?
Nadulas lang ako tapos nawala na ang first kiss ko?
Sinusubukan ko lang kunin ang bag ko tapos nasira na ang pangarap ko?
Ginusto ko lang makatulong pero nagkaroon pa ako ng problema?
This must be a dream.
This must be a dream.
It should be.
Kinurot ko ang kamay ko at nakaramdam ako ng sakit.
Napapikit ako nang mapagtanto kong totoo ang lahat ng ito.
Totoong nawala na ng tuluyan ang first kiss ko.
At totoong kay Reev Linden Cruz na isang nerd ko ito nawala.
I feel so bad.
Ano nalang ang sasabihin nila Ches at Blair kapag nalaman nila ang tungkol dito? Sigurado, si Ches tatawanan niya ako. Si Blair naman, hindi ko alam!
Ano nalang ang sasabihin ni Ian? Ayaw kong magpaligaw sa kanya pero wala na ngayon ang first kiss ko. Pero hindi naman sinasadya ang lahat diba? Hindi dapat ako maging problemado dahil dito!
Si Lexus. Damn. Ano nalang ang iisipin ag sasabihin niya? Sa kanya ko gustong ibigay ang first kiss ko pero ngayon wala na! Wala na!
At yung mga kaaway ko. Siguradong tatawanan nila ako at lalaitin kapag nalaman nila ang tungkol dito. Bababa ang tingin nila sa akin at hindi ako makapapayag na mangyari yun!
Hindi naman siguro kiss and tell itong si nerd.
Ugh! Dapat ba akong magalit sa kanya? Kasi kung binigay na niya agad ang bag ko at di na niya ako inasar, edi sana walang nangyaring ganito. Pero may kasalanan din naman ako at ako ang nadulas.
Shit! Para na akong mababaliw!
"L-Larinae." tawag ni Reev kaya napatingin ako sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. "I-I'm s-sorry. H-Hindi k-ko s-sinasadya." paumanhin niya.
Gusto kong magalit sa kanya. Gusto ko siyang sigawan at isisi ang lahat sa kanya pero hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi alam ko naman na may kasalanan din ako sa nangyari. Na hindi lang siya ang dapat sisihin.
"It's okay." pinilit kong maging maayos ang boses ko. "It's just a kiss. Hindi naman ako mamamatay dahil dun."
I want to kiss my self for being so good at acting. Just a kiss huh? Eh kanina ko pa nga gustong magwala dahil sa nangyari!
But I need to act normal. Dapat kumwari hindi ako apektado. Dahil kapag may ginawa akong kahibangan, may tendency na maraming makaalam ng nangyari.
"Sigurado ka, Larinae?" gulat niyang tanong.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...