Chapter 42

396 14 0
                                    

"Get up, Res! Kakauwi ko lang kaya pagod pa ako pero dahil gusto ko kayong makasama kahit isang araw lang eh pumunta ako dito. Tapos ayaw mo pang bumangon!" hinila ni Ches yung comforter na nakabalot sa katawan ko pero di ako nagpatinag.

"Ugh! Get lost, Chesly! You're so annoying!" inaantok na sigaw ko sa kanya.

I'm still sleepy pero heto siya at ginugulo ang mahimbing na tulog ko. Akala ko ba nasa Palawan ang babaeng to?! Bakit nanggugulo?! Tinakpan ko ng unan ang mukha ko pero mabilis niya itong tinanggal.

"It's already 11 AM for goodness sake, Resort Larinae! At kanina pa kami dito ni Blair! 2 days nalang pasukan nanaman kaya please, bumangon ka na diyan! Lalabas tayo!"

Hinila niya ako paupo at wala na akong nagawa pa kundi sumunod nalang. Damn it. I can't even open my eyes! Ang sarap sabunutan ng babaeng to!

"Eww, you still have muta! Blair! Ikaw nga ang kumausap dito sa pinsan mo!"

Narinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pinto. At last!? Makakatulog na ulit ako. Ready na ako para humiga ulit nang may mahinang tumapik sa pisngi ko.

"Res, gising na." malambing na boses ni Blair ang narinig ko.

I slowly opened my eyes at nakita ko siyang nakangiti habang nakatingin sa akin.

"Can you tell her na bukas nalang? I'm still sleepy." wika ko at humikab.

She shook her head. "May lakad siya sa mga susunod na araw. Ngayon lang ang free time niya."

I groaned. I guess I don't have any choice anymore. Damn that spoiled brat. Dapat hindi ako pumayag eh para naman hindi lahat ng gusto ng babaeng yun nasusunod. Ugh!

"I'll just take a bath." wika ko at bumangon.

Lumabas siya ng kwarto ko at pumunta naman ako sa cr. Hindi naman ako madalas lumabas nitong bakasyon. Dalawang beses akong niyaya ni Kuya King para mag mall at isang beses naman si Joshua kasi wala daw siyang kasamang manuod nung inaabangan niyang movie. After naming lumabas ni Josh nung isang araw, hindi na ako lumabas ng bahay. Akala ko nga yun na ang huling labas ko dahil malapit naman na ulit ang pasukan pero heto ang nakakainis na si Chesly at nagyayaya.

After kong magbihis at mag ayos ay lumabas ako ng  kwarto. Nadatnan ko yung dalawa sa sala na hinahalungkat ang isang plastic ng pagkain.

"Salamat dito, Ches." saad ni Blair.

Pasalubong, huh?

"You're always welcome. Huwag mong bibigyan si Res, okay? Bigay mo nalang kay King yung para sa kanya." halakhak nung baliw.

I rolled my eyes at lumapit sa kanila. Halos sabay naman silang napatingin sa akin.

"Oh? Buti bumaba ka pa? Akala namin nalunod ka na sa cr sa sobrang tagal mo!" reklamo ni Ches.

Inirapan ko lang siya. Damn! Annoying as ever!

"Hayaan mo na, Ches. Saan ba tayo pupunta?" tanong naman ng pinsan ko habang nililigpit yung mga kinalat nila.

I heaved a sigh. Buti pa ito laging kalmado. Hindi tulad nitong maingay na Chesly Angela na to.

"Mall." maikling sagot niya.

"And what are we going to do there?" tanong ko naman.

"Baka magswiswimming? Malamang mamamasyal, Res! Pero kain muna tayo. I'm hungry."

Ugh! Di ba siya pwedeng sumagot ng maayos?! Nakakainis siya! Kung hindi ko lang talaga siya kaibigan, matagal ko na siyang inaway. Umalis kami at yung sasakyan nila Ches ang gamit namin. Hindi naman nagtagal at nakarating din kami sa mall. Sa totoo lang, wala talaga ako sa mood gumala ngayon. Pero dahil alam ko namang hindi ako tatantanan ni Ches, wala akong choice. Tsaka namiss ko din silang dalawa. Ah, that's a little bit eww.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon