"Is it her's?"
"I don't think so."
"I think it's Blair's."
"Maybe. I saw them together at the mall the other day."
"But what if it's Larinae's?"
"That's impossible."
Nagising ako sa ingay na naririnig ko sa paligid. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang nakasandal sa mesa. Wala pang tao kanina dito pero ngayon marami na.
"Oh. Sleeping Beauty is now awake."
Ang nakahalukipkip na si Ches agad ang bumungad sa akin. Nakataas ang kilay niya at para siyang hukom na handa na akong hatulan.
Napansin kong kaming dalawa palang ang nandito sa table namin. Wala pa si Blair.
"Where's Blair?" tanong ko sa kanya.
Mas lalong tumaas ang kilay niya. "I should be the one asking you that. Where is she? Malapit nang magsimula ang klase."
Mukhang nagkasiyahan pa silang anim dun. I don't care. Bahala siyang malate.
"Baka late." bored kong sagot.
"Hindi kayo nagsabay? War nanaman ba?"
"No. Nauna lang akong pumasok."
Nagkaroon ng ilang sandaling katahimikan. Akala ko tuluyan na siyang tumahimik pero hindi pala.
"That's yours right?"
Napakunot ang noo ko sa tanong niya. Hindi ko siya maintindihan.
"What?"
Lumapit siya sa akin at mahinang bumulong. "Yung shirt na suot ni Linden. Sayo yun diba? Imposible naman kasing kay Blair eh wala pa nga siya. At isa pa, suot niya yung kanya noong isang araw at namantsahan yun. At kayo lang ang Llero dito."
Oh right. Nakalimutan ko na nakalagay pala sa likuran ng P.E. T-shirt ko ang apilyedo ko. Oh, that explains why I heard some people talking about me. Gossips. I'm sure gagawin nanaman nila yun na big deal.
"So? Ano ngayon kung sa akin nga yun?"
Nanlaki ang mga mata niya at napahawak pa siya sa kanyang bibig. Isa ring OA to. Ano bang naging kasalanan ko noong nakaraang buhay ko para mapaligiran ako ng mga ganitong klaseng tao? Nakakastress sila.
"Seryoso nga?! OMG! Close na kayo?! Kailan pa?! Diba ayaw mo sa kanya?! How come?!" sunod sunod niyang tanong dahilan para mapatingin sa amin ang mga kaklase namin.
"Shut up Ches. You're so annoying! At kayong mga nakatingin sa akin. Alam kong maganda ako pero huwag niyo akong tignan kung ayaw niyo tusukin ko ang mga mata niyo."
Nag-iwas sila ng tingin pero dahil matalas ang pandinig ko, narinig ko ko ang mga ibinulong nilang mga masasamang salita para sa akin. Tss. As if I'm affected.
"You're scary. May dalaw ka?"
Naningkit ang mga mata ko sa tanong niya. I think I already heard that question somewhere. Oh yeah! Joshua asked me the same question last night. Yung totoo? Magkakonekta ba ang utak nilang dalawa?
But wait, did Joshua greet her? I wonder.
"Wala." simpleng sagot ko nalang.
Hangga't maaari ay ayaw kong humaba ang usapan. Wala ako sa mood ngayon para makipagdaldalan. At ewan ko ba. Naiinis ako ng walang dahilan. Or is it because of those freaking cousins and perfect brother of mine? Ugh! Maybe.
Napatahimik ang lahat nang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Sherry. Kasunod niyang pumasok sila Lexus at Ian.
So Blair is not yet here huh? Did she decided to spend more time with those freaks? Well, good luck to her.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...