Chapter 16

467 20 1
                                    

"Chocolate?" alok sa akin ni Blair pagdating ko sa bahay nila pero nilagpasan ko lang siya.

Nakita ko sila Tito at Tita sa sala. Nilapitan ko sila at binati.

"Good evening, Tita, Tito." humalik ako sa mga pisngi nila.

"Good evening, Res. You're late. Where have you been?" tanong ni Tita.

"Just... Somewhere, Tita. Aakyat na po ako para makapagpahinga."

Tumango sila. Wala akong sinayang na panahon. Agad akong tumakbo sa kwarto ni Joshua. Bigla kong binuksan ang pinto, halos mapatalon naman si Joshua sa kama at itinago sa likuran niya yung hawak niya kanina.

"Cut it, Joshua. I saw it."

Nag aalangang inilabas niya yung hawak niya kanina. Oh, yung picture pala nila ni Ches.

Ngumisi ako. "Kidding, hindi ko nakita kanina. Pero ngayon?"

Tatawa tawang pumunta ako sa banyo habang naririnig ko yung mga malulutong na mura niya. Nagshower ako saglit bago lumabas ng banyo. Doon na din ako nagbihis ng pantulog dahil baka hindi na lumabas si Joshua sa kwarto niya. At hindi nga ako nagkamali. Naabutan ko siyang nakatulala ulit sa picture nila ni Ches. Hindi tulad kanina, hindi na niya iyon itinago. Parang wala siyang pakialam kahit nakikita ko ang ginagawa niya.

"You still love her?" tanong ko at tumabi sa kanya.

"I do. Hindi nawala ang pagmamahal ko sa kanya, kahit nung nagkahiwalay na kami." walang pag-aalinlangang sagot niya.

I knew it. Halatang halata sa mga galaw niya. Kaya hindi na nakakapagtakang hindi siya sumama kila Levi kahit na mukhang nasanay na din siya doon.

"Hindi ko na tatanungin kung anong rason mo sa pag-iwan mo sa kanya. Pero alam kong maaayos niyo din yan. Hindi pa huli ang lahat." nginisian ko siya. "Hindi pa huli ang lahat kung hindi ka pa naunahan ni Kuya King. Ang bagal mo kasi. Alam mo bang nagdate uli sila kanina?"

Nag-igting ang bagang niya. Pinigilan ko ang sarili kong mapatawa. Hindi sila nagdate, at hindi pa sila nagdate. I think nagpasama lang uli si Kuya King kanina sa kanya kung saan. Pero gusto kong makita ang mukha ni Joshua na naiinis.

"Hindi ko alam kung pinapagaan mo ang loob ko o lalo mo lang akong iniinis. Ayaw sana kitang paniwalaan kaso kauuwi lang din niya few minutes bago ka makauwi. At sa totoo lang, hindi ko gusto ang ngisi sa mukha niya. Subukan lang niyan gawan ng masama si Ches at ako ang makakalaban niya." madiing sabi niya.

"Chill. Masyado kang high blood. Sana naman hindi masira ang closeness niyo ni Kuya King dahil lang diyan. And I think malinis naman ang intensyon niya kay Ches so you don't have to worry. Kaya magpaubaya ka nalang." natatawang sabi ko.

"No way! Hindi ako papayag!"

"Anong hindi mo papayagan, Kuya?"

Bigla nalang sumulpot sa pinto si Blair na nakapantulog na din at may hawak na malaking unan.

"Wala. At anong ginagawa mo dito?" tanong ni Joshua sa kapatid.

"I can hear some noise at my room's ceiling and it's creeping me out. Kaya I decided na dun nalang sa kwarto ni Kuya King ako matutulog, kaso pinaalis niya ako kasi magka-usap sila ni Ches. So dito nalang ako!" sagot niya at lumapit sa amin.

Naikuyom ni Joshua ang kamao niya. Parang gusto na niyang lumabas sa kwarto niya ngayon at sugudin si Kuya sa kwarto nito. Natawa nalang ako sa isip ko. Mukhang wala na siyang pag-asa. Mabilis dumiskarte yung isa eh.

"When your parents came home Res, take that bastard with you. I don't want him here." seryosong sabi niya.

"Kuya? May hindi ba ako nalalaman? Nag-aaway ba kayo ni Kuya King? Wait... Is it because of Ches?! Sinasabi ko na nga bang mahal mo pa siya!" malakas na sigaw ni Blair.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon