"Sigurado ka bang matino ka pa, Res?" paninigurado ni Ian.
Ang sarap pag-untugin ng mga kasama ko ngayon. Ilang beses ko bang kailangang sabihin na ayos lang ako? Nakakagigil sila!
"Oo nga! Ang kukulit niyo naman! Kanina niyo pa ako tinatanong at kanina ko pa kayo sinasagot! Magsimula na kasi tayong mag-laro kahit walang tayo!" mahabang sabi ko.
"Hindi na nga matino ang isang to. Nagtagalog siya ng diretso. Napaka imposible!" wika ni Blair.
"Shut up, Blair!"
"Kung sapakin ko kaya siya sa mukha ng isang beses ngayon? Diba ang sabi nila hindi na maaalala ng mga lasing yung kaganapan sa paligid nila? Basta huwag niyo akong isumbong sa kanya."
"I will still remember, Ches. And if not, I will just ask Blair about my bruised face and I'm 100% sure that she will tell me the truth." ngisi ko.
Itinaas niya ang mga kamay niya na parang sumusuko. I'm crazy but I'm also great! Maybe I'll visit Mental Hospital soon.
"Okay, let's start! I think this will be exciting!"
Gaya ng sabi ni Kuya King, sinimulan na nga namin ang laro. Muli akong sumandal aa balikat ni Joshua nang paikutin nila ang bote.
Naghiyawan silang lahat nang tumapat iyon kay Blair. Napangiwi naman si Blair at tumingin sa akin ng masama. I'm sure na sinisisi na niya ako ngayon dahil ako ang nagsuggest ng larong ito.
"I will be the one to ask her!" presinta ko. Tumango naman sila kaya binalingan ko na ang pinsan kong hindi na maipinta ang mukha. "So Blair, truth or dare?"
"Dare!" walang pag-aalinlangan niyang sagot. "Baka kung ano pang kalokohan ang itanong mo!"
I laughed. "Here's my dare. I dare you to punch Joshua in the gut." ngisi ko.
"What?! No way!" protesta ni Joshua dahilan para mawala ang pagkakasandal ko sa kanya.
Blair sighed in frustration. "Go ahead, Ches. Sapakin mo na siya. Promise, hindi ako magsusumbong."
"Sure ka?"
"Yeah."
"Shut up! Just do your dare, Blair." wika ko.
I think 'Shut up' is my most used word today. And I swear, maaalala ko parin ang mga pinagsasabi ng dalawang ito. I'm still sane. Hindi naman masyadong marami ang nainom ko. Or that's what I thought?
Padabog na tumayo si Blair at lumapit sa kapatid niya. Ilang beses na umiling si Joshua. I stepped on his foot dahilan para mapatayo siya.
"Res! Ugh! Humanda ka sa akin! Babawi ako say- Ouch! Bunso naman! Bakit mo naman nilakasan?!"
Natawa ako sa naging reaksyon niya. Wala namang bumakas na pagsisisi sa mukha ni Blair, sa halip ay nakangisi pa ito.
"Sorry not sorry, Kuya. That's for making me worried when you asked Kuya King to pull that crazy prank."
"Hindi ko naman kasalanan na sumang-ayon siya!" depensa niya.
Tinawanan lang siya ng kapatid bago ito bumalik sa pagkakaupo. Maging siya ay muling umupo sa tabi ko. Mabuti nalang medyo malaki itong inuupon naming single sofa kaya kasya kaming dalawa.
"Paiikutin ko na." wika ni Reev at pinaikot muli ang bote.
Sa pagkakataong ito, tumapat ito kay Ian. Bigla nalang akong kinabahan nang makita kong ngumisi ng malawak si Blair. Nakainom ako ng alak, hindi ba dapat mawala lahat ng kahihiyan ko sa katawan? Hindi ba dapat mas tumapang ako? Parang mas lalo pa atang nabahag ang buntot ko.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Genç KurguSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...