What the hell.
What in the world just happened?
Hindi ba talaga ako nakapagsalita?
Damn!
Ang tanga ko.
Ang tanga tanga ko.
Halos sabunutan ko na ang sarili ko sa sobrang inis.
Ilang taon kong hinintay na sabihin niya ang mga katagang yun, pero nang nasabi na niya, natulala lang ako at hindi nakapag-salita! Damn!
Ni hindi ko na nga alam kung paano ako nakauwi dito sa bahay na sobrang lutang. Ang huli kong natatandaan sa nangyari kanina ay ang sinabi ni Lexus na 'Sorry kung nabigla kita, Res. I'll give you time to think about it'.
Ugh! Bakit ba kasi ako natulala kanina?! Bakit ba kasi hindi ako nakasagot?! Edi sana manliligaw ko na ang taong matagal ko nang gusto ngayon! Shit.
Kinuha ko ang isang baso ng tubig na nasa bedside table ko at nilagok ang laman. Pero walang epekto dahil hindi parin ako kumakalma.
Kung pwede ko lang sanang ibalik ang panahon, gagawin ko. At itatama ko yung nagawa kong katangahan kanina.
Linggo pa naman bukas. Ibig sabihin ay hindi ko siya makikita. Eh kung pumunta kaya ulit ako sa park? Baka sakaling bigla ulit siyang sumulpot. Pero paano kung hindi? Damn!
Eh kung itext ko nalang kaya siya?
Napailing ako. No, that's not a good idea.
Mukhang wala akong ibang magagawa kundi hintayin nalang na dumating ang lunes. Kaya ko kaya siyang harapin? Kung bakit kasi nawawala ang kapal ng mukha ko sa mga ganitong pagkakataon.
I sighed. Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Joshua. Naningkit naman ang mga mata ko. Anong ginagawa ng lalaking ito dito?
Bihis na bihis pa siya pero hindi maipinta ang mukha. Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa makaupo siya sa tabi ko at nagulat ako nang bigla nalang niya akong niyakap ng mahigpit.
"What's wrong, Josh?" pabulong na tanong ko.
"Nothing. I just want to hug someone right now." wika niya sa paos na boses.
Natahimik ako. Ramdam ko sa boses niya ang pagkaseryoso. At minsan lang siya magseryoso kaya naman naninibago ako. May hula na ako kung bakit siya nagkakaganito. Siguro ay dahil kay Ches nanaman.
Niyakap ko siya pabalik at marahang hinaplos ang likod niya. Naramdaman ko ang lalong paghigpit ng yakap niya sa akin.
"It's too late, Res. I'm too late."
Napapikit ako nang marinig ko ang mahinang pag-hikbi niya. It's too unusual to see Joshua cry. Kahit na madalas siyang pagalitan ng parents niya noon dahil sa mga kalokohang ginagawa niya, ni minsan ay hindi siya umiyak. Tuwing nakakatampuhan niya kaming mga pinsan niya, mag-sosorry siya pero hindi siya kailanman naging emosyonal. Tuwing napupuruhan siya kapag nakikipag-away, itatawa lang niya.
Parang hindi ko tuloy kayang makita na nagkakaganito siya. Parang nasasaktan din ako. Pero hindi ko magagawang magalit kay Ches. Naiintindihan ko siya.
"Hush, Joshua. Don't worry, everything will be fine." pagpapagaan ko ng loob niya.
Though pati ako ay hindi sigurado sa sinabi ko. Hindi naman kasi namin alam ang mga mangyayari sa hinaharap.
"Hindi ko alam kung magiging okay pa ako." seryosong sabi niya.
Agad ko siyang hinampas sa kanyang likuran. Napahiwalay siya sa akin at napaubo.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...