Chapter 31

391 20 4
                                    

Natahimik ang buong office ni Mommy nang makapasok kaming tatlo. Umupo si Mommy sa kanyang swivel chair at napamasahe sa kanyang sentido. Yun namang babaeng sumugod sa akin ay hindi manlang nahiyang umupo sa sofa sa tapat ni Mama. Huh, ako ngang anak ng principal at inosente ay nakatayo parin malapit sa pinto tapos siya? Ang kapal naman ng mukha ng babaeng to. Kating kati parin ang kamay kong sabunutan siya at ingudngod sa lupa.

"Explain what happened." simpleng sabi ni Mommy.

Napalunok ako at ready na sanang magsalita nang naunahan ako nung babaeng mukhang paa. Napataas pa ang kilay ko nang bigla nalang siyang umiyak.

"S-She started it, Madam Vanna! Papunta na ako sa classroom dahil malelate na ako sa klase pero nagkabungguhan kami. And she's pissed that time. Nagulat nalang ako nang bigla niya akong sampalin at sabunutan! She even kicked me in my stomach!" sabay hawak niya sa tiyan niya. "Sana parusahan niyo ang babaeng yan! Kahit anak niyo siya, dapat hindi siya maging exempted!"

Humagulgol siya at halos mapatakip ako ng tainga dahil sobrang nakakairita yung paraan ng pag-iyak niya. Napairap ako.

What a liar.

Unang una, hindi kami nagkabungguhan dahil siya mismo ang humarang sa akin. Pangalawa, hindi ako ang nagsimula kundi siya. Siya din ang unang umatake nang sampalin niya ako. Pangatlo, ako ang kawawa dito at hindi siya. Dapat siya ang maparusahan at hindi ako. Tss. Papasa na siyang Drama Queen. Ang totoo lang yata sa sinabi niya ay yung pagtadyak ko sa kanya.

Napabuntong hininga si Mommy at humarap sa akin. "How about you, Res? Ano ang masasabi mo tungkol dito?"

Dahil tinatamad na akong magsalita, umiling nalang ako. What's the point of defending myself? I bet she's not going to believe me. Sa ilang beses ko na ba namang napunta dito? Siguradong iisipin niya na ang walang kwenta niyang anak nanaman ang may kasalanan ng lahat ng ito.

"Okay." huminga si Mommy ng malalim. "Both of you violated the rules so the two of you will be punished. At dahil oras na ng klase, considered as ditching ang ginawa niyo. Ako ang principal ng school na ito kaya dapat ay maging patas ako sa pagbibigay ng parusa."

Nakita ko ang pasimpleng pag-ngisi nung drama queen na mukhang paa sa sinabi ni Mommy. Tss. I'm sure nagsasaya na siya ngayon dahil ako ang mabibigyan ng mas mabigat na parusa. But I don't care.

"You, Miss." tukoy niya kay drama queen. "You will do community service for a month." Bumaling siya sa akin. "And you, young lady. You will help the SC President in organizing the upcoming School Fair that will be held on the last week of October. Are we clear?"

Ilang segundo kaming natulala ni drama queen bago nakasagot. "What?!" sabay naming sigaw.

"That's so unfair, Madam Vanna! Bakit mas mahirap yung parusa niyo sa akin?! Is it because that girl is your daughter?!" singhal ni drama queen.

Napaisip ako sa sinabi niya. Actually, ang dahilan ng pagkagulat ko ay yung kailangan kong tulungan si Reev. Hindi ko agad napansin na mas mabigat nga ang parusa na ibinigay sa kanya ni Mommy.

But hell?! Why do I have to work with that nerd?! Hindi ba pwedeng community service nalang din and parusa sa akin?!

On the second thought, mas mabuti na rin siguro na yun ang parusa ko kaysa magwalis, maglinis ng school at magkuskos ng cr. Siguradong hindi ko iyon kakayanin.

"No, I'm not being unfair. Lahat ng nakakita kanina, sinabing ikaw ang nagsimula ng gulo. It's not because Res is my daughter. I gave you chance to explain your side but you chose to lie to me. This conversation is over. You may now go back to your respective classes."

Padabog na tumayo si drama queen at lumabas ng pinto. Kahit na gusto kong magreklamo kay Mommy, tahimik nalang din akong lumabas on office. Siguradong hindi din naman niya akong papakinggan dahil mukhang buo na ang desisyon niya.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon