Chapter 48

391 17 2
                                    

I woke up feeling lightheaded. Iginala ko ang mga mata ko sa paligid at nakitang wala ako sa kwarto ko. Where am I?

Then it struck me. Oo nga pala. I'm on Aian's place. Bigla kong naalala lahat ng nangyari kanina. So everything was real. Hindi lang basta panaginip. Akala ko, paggising ko ay makakawala na ako sa bangungot na yun pero hindi pala. Naramdaman ko muli ang pag init ng sulok ng mga mata ko.

I'm tired of crying but I really can't help it. I just want all of these to end. Can I just end my life now? Tutal wala din naman itong kwenta. Wala din namang nagmamahal sa akin.

Napaupo ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto.

"She's awake! She's awake! Kuya Aian! Kuya Seph! Ate Res is awake!" masayang tumakbo si Zee papunta sa akin.

Sumampa siya sa kama at niyakap ako. Parang umurong ang mga luha ko nang makita ko siya. My heart melted with his small hug. I hugged him tighter.

"Ate Res? Are you crying? Why are you sad?" inosenteng tanong ng bata.

Kumalas ako sa yakap at tinignan siya. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. I cupped his small face. "Ate Res is just happy to see you."

I don't want to tell him what happened because he's too young to understand everything, but I don't want to lie either. I'm really happy to see him. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

He frowned. "Kuya Seph said that crying is for ugly people. He's been saying that since then whenever I cry. But you're still pretty even though you're crying, Ate."

I think that was the most genuine compliment I've ever received. But wait, Seph said what? Parang di naman tama na turuan ng ganun itong bata. That guy!

"Listen, Zee. Crying won't make you ugly, okay? Cry if you feel like crying. Don't mind what your Kuya said." pangungumbinsi ko at tumango naman siya.

Hindi naman nagtagal at pumasok din sa kwarto yung dalawa. Concern is written all over their faces as they approach us. Pareho silang nakasuot ng pambahay at pawang magugulo ang mga buhok. Seph is even wearing an apron which I find so gay.

"Good evening, sleeping beauty." nakangiting bati niya.

Huh? Evening? Sandali, anong oras na ba? I quickly glanced at the wall clock on the room. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang alas siete na ng gabi. Gaano ako katagal na nakatulog?!

"Ayos kana, Res?" tanong ni Aian.

Umiling ako. "But I'm feeling better now." wika ko sabay sulyap kay Zee na nakakapit sa akin.

"I see. Close kayo ni Zee the ugly. Did you already met before?" tanong ni Seph habang nakangisi.

I get it. He's trying to light up my mood. Pero bakit kailangang sabihin ni pangit si Zee. Tinignan ko ang bata at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa Kuya niya.

"I'm not ugly, Kuya! You're ugly!" sigaw nito.

"Nope, I'm not. I'm the most handsome among the three of us." puno ng pagyayabang na sabi ni Seph.

Nakita kong napakunot na din ang noo ni Aian. "You wish, Seph! I'm the most handsome!"

"No! I am!" sigaw nung bubwit sa tabi ko.

At nagpatuloy silang tatlo sa pagtatalo. Bumaba na si Zee sa kama at humarap sa dalawang kuya niya para makisali sa sumbatan.

I smiled. Kahit papaano at gumaan ang atmosphere. But I admit, nahihiya ako sa kanila. Like what am I even doing here? This is their house. I don't belong here. Nagkakatuwaan silang magkakapatid. Dapat wala ako dito.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon