Dismissal nung Friday, pumunta ako sa mall para maghanap ng pwedeng iregalo sa kapatid ni Reev. At doon ko narealize kung gaano ako katanga. Hindi ko alam kung babae ba o lalaki ang kapatid niya. Babae yung nabanggit niyang kasama niyang nagbake ng cookies, pero hindi ko alam kung ilang taon. Balak ko sana siyang itext para magtanong, pero lowbat ang phone ko. Sa huli? Wala din akong nabili.
Kaya naman ngayon, habang papunta kami sa bahay nila, medyo nahihiya ako. Sinundo niya ako sa bahay ng mga bandang 5 PM. Sinabi ko sa kanya sa text na magpapahatid nalang ako sa driver namin. Pero nagulat ako nang bigla siyang tumawag. Tumatawa pa siya habang sinasabing susunduin niya ako dahil hindi ko naman alam kung saan ang bahay nila.
Hindi na ako nagsalita dahil sa sobrang pagkapahiya. Pinatay ko nalang ang tawag at hinintay siyang pumunta sa bahay. Naglalakad lang kami ngayon dahil malapit lang daw ang bahay nila sa amin. Almost 20 minutes din kaming naglakad. Walang nagsalita sa amin dahil medyo awkward. Malapit lang pala sa park na lagi kong tinatamdayan ang bahay nila.
Nang nasa tapat na kami nito, ginapangan na ng kaba ang dibdib ko. Hindi gaanong kalakihan ang bahay nila pero maganda at simple. May mga halaman pa na nakatanim sa palibot nito. May mga naririnig akong ingay ng mga bata sa loob kaya naman nakakasiguro akong bata ang kapatid niyang magbi-birthday.
"Sinong mga nasa loob?" tanong ko ng hindi nakatingin sa kanya.
Nasa tapat parin kami ng bahay nila. Parang nagdadalawang isip pa nga ako kung papasok ako o hindi. Nakakahiya.
"Pamilya ko at ilang kaibigan ng kapatid ko. Pasok na tayo?"
Inilahad niya sa akin ang kanyang kamay. Napalunok ako bago tumango at tinanggap ang kamay niya. Pagbukas ng pinto, nadatnan namin ang ilang mga batang nagkakatuwaan.
"Ate Res!" sigaw ng dalawang bata.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumapit sa akin sila Jay at Liam na pawang may mga nakalagay na sumbrerong papel sa ulo. I don't know what that is. Pero madalas ko iyong makita sa mga children's party.
Nginitian ko sila pareho kahit na nalilito ako kung bakit sila nandito. Siguro kaibigan sila ng kapatid ni Reev?
"Ate Res! Buti nakapunta ka po dito sa birthday ko! Iimbitahan sana kita kaso di na kita nakikita sa park!"
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Jay. B-Birthday niya? Ibig sabihin siya ang kapatid ni Reev? Nalilitong bumaling ako sa katabi ko na mukhang gulat din.
Tumingin ako kay Jay. "Happy Birthday, Jay." bati ko at ngumiti.
Nagpasalamat siya sa akin at nagpaalam na pupunta na sa mga kaibigan niya. Nang makaalis ito, si Reev naman ang binalingan ko.
"Kilala mo ang kapatid ko?" tanong niya.
Gusto kong umirap pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi ba obvious na kilala ako ng kapatid niya? Eh narinig niya naman na dalawang beses nitong binanggit ang pangalan ko!
"Yeah. Met him couple of times. Sa park."
Tumango siya at ngumiti. Tuluyan kaming pumasok sa loob at hilaw na ngisi lang ang pinapakita ko. Naguguluhan ako. Sa pagkaka-alala ko, Abalos ang apilyedo ni Jay. Paano siya naging kapatid ni Reev?
Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ko yung sinabi ni Ches sa akin noon. Yung nagpalit siya ng apilyedo. Ito na ba yun? Abalos ba ang apilyedo niya dati? Pero bakit siya nagpalit? Damn! I'm curious!
May sumalubong sa aming isang babae na sa tingin ko ay kaedad o mas matanda lang ng kaunti kay Mommy. Sinalubong niya kami ng may malaking ngiti sa labi. Hindi siya kamukha ni Reev. At hindi rin kamukha ni Reev si Jay. Nalilito na talaga ako.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...