"H-Hah?"
"Ang sabi ko, may dumi ba ako sa mukha? Napapansin ko kasi na lagi kang napapatulala sa akin. Minsan, nahuhuli din kita na sumusulyap sa akin. Ano nga? May dumi ako sa mukha?"
Ilang beses siyang napalunok at napakurap. Parang hindi niya alam kung ano ang isasagot niya.
"A-Ano k-kasi... Uhm... Ganito kasi yun..."
"Stop. It's okay. May dumi man ako sa mukha, maganda parin naman ako diba?" pagputol ko sa sinasabi niya.
"O-Oo naman."
Napangisi ako. Iba talaga ako. Tama nga yung kasabihan na 'Ang nerd, hindi nagsisinungaling'. Natawa ako sa naisip ko.
Pagbaling ko sa ibang direksyon, nagulat ako nang makita ko sila Joshua at Ches sa hindi kalayuan. Mukha silang nagtatalo. At ang pinaka matindi sa lahat, umiiyak si Ches.
I think it's better this way. Para magkaroon sila ng proper closure. At para magkalinawan na din sila kung ano ba talaga ang nangyari noon.
"Lagi kong nakikita yung pinsan mo noon sa tapat ng room namin tuwing break o uwian. Bilib nga ako sa kanila ni Ches kasi kahit magkaiba sila ng Grade level, nagkakaroon parin sila ng enough time para sa isa't-isa. Kaya nga nagulat ako noong biglang isang araw, pumasok si Ches sa room namin na iyak ng iyak. Hindi ko alam noon kung ano ang problema. Isang araw, nabalitaan ko nalang na wala na sila. Dahil sa nasaksihan ko kanina, mukhang alam ko na kung ano ang nangyari noon." mahabang sabi ni nerd.
Napatingin ako sa kanya at nakitang nakatingin din siya kila Ches ngayon. He's right. It's pretty obvious now the reason of their break up before. Walang nakaka-alam ng tungkol sa ginawang panloloko ni Joshua maliban sa amin ni Blair. Pero dahil sa nangyari kanina, mukhang alam na ng lahat ng nakakita.
"Sa tingin mo, bakit kaya iniiwan ng isang tao yung mahal nila para sa iba? Hindi naman sa hinuhusgaan ko si Joshua. Pero bakit kaya?" I asked out of curiosity.
Kasi kung mahal mo talaga ang isang tao, hindi mo siya iiwan kahit anong mangyari. Joshua is right, hindi pa ako nain love at hindi ko pa naranasang pumasok sa isang relasyon. Pero alam ko yung pakiramdam dahil nararamdaman ko yun sa mga pinsan at kaibigan ko. Kahit gaano pa kasama ang ugali ko, nananatili lang sila na nandyan para sa akin.
"Magkaiba ang lahat ng tao. At iba-iba din ang mga ginagawang desisyon ng bawat isa. Malay mo diba? May mabigat silang rason kaya nila yun ginawa. Maybe, they think that it's for their love's own good. Pero may isang bagay na siyang kadalasang nangyayari."
"Ano naman yun?" takang tanong ko.
"A permanent becomes temporary when a temporary came into the picture." he replied.
Napakunot ang noo ko. "What does that mean?"
"For example, kila Joshua at Ches. Example lang to hah? Walang personalan."
Tumango ako. "Yeah right. Just go on ang explain."
"For example, Ches is Joshua's permanent. Pero dahil dumating ang temporary, which is that girl named Hailey, si Ches na dapat ay permanent ay naging temporary nalang. Naintindihan mo ba?"
I nodded. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang sinabi niya. He's right. Nagiging temporary nga ang isang permanent kapag may umepal na temporary. At kahit na sinasabi niyang example lang yun, may point talaga siya. Dahil yun talaga ang nangyari dun sa dalawa.
"But do you think? Pwede pa bang maging permanente ang naging temporary lang?" muli kong tanong.
Ngumiti siya. "Of course. Wala namang imposible dito sa mundo. Pero syempre, depende parin yan sa tao. Kung gugustuhin ba nila o hindi. Others think that it's better to leave things as they were. Because they're afraid. They're afraid to make the same mistakes again. Pero sa nakikita ko kay Joshua, mukhang pursigido siyang mabawi si Ches. Isa siya sa mga taong willing na mag take risk."
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...