"Come on, Res. Finish your food. Pumapayat ka na lalo." tinangka pa ni Ian na subuan ako ng fries pero umiwas ako.
"I told you, Ian. I'm already full."
At halos masuka ako sa eksena sa harap ko. Gusto kong idagdag but I didn't. Yvette, wiping off some ketchup on Reev's lip in front of us is making my stomach sick. Aren't they aware that PDA is strictly prohibited?! SC Officers pa man din sila!
"Ngayon, hindi ka na makakapagdeny na nagseselos ka talaga. You're too obvious, Res. Hindi na ako magtataka kung pati sila mapapansin ka."
Binalingan ko ng tingin si Ian sa tabi ko. May naglalarong mapang asar na ngiti sa kanyang labi habang nanunuyang nakatingin sa akin.
"What in the hell are you talking about?! Shut the hell up! Someone might hear you! Baka isipin pa nila totoo yang mga sinasabi mo!" hasik ko sa kanya.
Ian being Ian, tumawa lang siya at marahang kinurot ang magkabilang pisngi ko. "Bakit, hindi ba totoo?"
"Of course, it's not true!" giit ko.
"Iba ang sinasabi ng mukha mo, Miss Llero. Bakit kasi di mo pa lapitan?" tawa niya.
Lapitan? Duh? Sino ba siya para lapitan ko?!
Wala akong kilalang bumalik lang yung dating kinahuhumalingan eh nakalimutan na ang mga kaibigan.
"You're talking nonsense, Ian. I know you ditched your practice again. Balik ka na. Babalik na din ako sa classroom." sabi ko sabay tayo at kuha sa bag ko.
Feeling ko impyerno itong cafeteria. Hindi ko matagalan. It's suffocating. Maybe I will ask Dad to shut this cafeteria for good. Para mamatay sa gutom lahat ng estudyante dito. Natawa nalang ako sa naisip ko.
"Alam mo, Res. Minsan, hindi masamang maging honest tayo sa nararamdaman natin. Kasi ang feelings, pag kinikimkim mo, lalo ka lang masasaktan. If you think it's worth the risk, take a shot." mukhang may balak pa si Ian na ihatid ako sa room bago bumalik sa practice nila.
"I don't get you." simpleng sagot ko sa kanya.
It's half meant. Kayang kong intindihin, but I chose not to, kaya gumugulo ang isip ko. Nagkakagulo na nga sistema ko sa katawan, pati ba naman pag iisip ko guguluhin pa ng isang ito.
Ngumiti siya sa akin. "Just be honest with your feelings, Res. Yun lang. Alam ko namang hindi ka mababaw. May pagkamanhid ka pagdating sa ibang bagay, oo. Pero alam kong aware ka sa nararamdaman mo ngayon na ipinagsasawalang bahala mo lang."
Mukhang hindi ko na kayang makipagmatigasan pa sa kanya. Naiintindihan ko ang sinasabi niya. But I don't want to acknowledge my feelings. I-I'm afraid.
At isa pa...
May isang bagay pa na pumasok sa isip ko maliban sa issue ko kay Reev.
Mariin akong napapikit. "You won't like the result, Ian. Trust me."
Dahil kung magiging totoo ako sa nararamdaman ko, baka hindi ko mapigilan ang sarili kong makagawa ng mga bagay na tiyak na pagsisisihan ko din sa huli.
Natanaw ko ang tatlong taong tila ba nagkakasiyahan mula sa labas ng pinto.
Ches, Blair and Lexus, huh?
--
"May announcement nang half day lang tayo ngayon. Pupunta kaming mall pagkatapos nitong huling klase. Sama ka, Res?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Ches sa harap ko.
As usual, mag isa ko nanaman sa table namin ni Ian dito sa likod. May practice nanaman kasi sila. Pero ang alam ko, half day lang din ang practice nila ngayon gaya ng mga klase. I wonder kung paano siya makakahabol sa mga namiss niyang lessons.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Fiksi RemajaSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...