"Okay, I got that part. Medyo nahihirapan lang ako sa computation. Can you repeat it?"
"Sure, Res. So ganito..." inexplain uli sa akin ni Lexus kung paano icompute yung problem.
Medyo nakakahilo pero pinipilit kong maintindihan. 2 hours na silang nandito sa bahay. At parang kami lang ni Lexus ang nag-aaral dahil busy ang iba sa pagpapak ng mga pag-kain. Alam naman na kasi nila ang mga to. Ako lang naman ang tanga sa aming lahat.
Mabuti nalang matiyaga akong tinutulungan ni Lexus. Samantalang yung mga best friends ko, puro mga pambwibwisit ang ginagawa. Lalo na si Ches.
"Lexus, sure ka ba talaga si Res yan? Baka mamaya sinasapian lang yan ng masamang espiritu. Hindi ka ba nagtataka at naisipang mag-aral niyan?"
Ayan na ang sinasabi ko. Kahit ngumunguya ng cookies, nagawa niya paring sabihin yun. Ang sarap talagang batukan ng babaeng to. Kung wala lang talaga si Lexus dito, kanina ko pa tinapalan ng tape ang bibig niya.
"Kinakabahan ako, Ches. Paano kung wala na yung pinsan ko? Paano kung hindi na siya bumalik sa katawan niya? Hindi ko siguro kakayanin. Baka magpakamatay nalang ako."
Isa pa itong si Blair. Gumagana namaman ang pagiging OA niya. Ang sarap nilang pag-untuging dalawa. Napabuntong hininga nalang ako at sinagutan yung problem. Napangiti ako nang makuha ko ang sagot.
"Ayan, nakuha mo na. Ano pa ang hindi mo makuha?" tanong ni Lexus habang nakangiti.
"Ayos na, Lexus. Maraming salamat sa tulong MO. Salamat sa mga efforts na ginawa MO."
Tinignan ko isa isa yung apat. Nag-iwas sila ng tingin maliban kay Ches na napangiwi. I invited them here for us to have a group study. Pero kami lang naman ni Lexus ang nag-aral.
"Seryosong tanong, Resort Larinae. Bakit mo naisipang mag-aral? Eh samantalang noon, kahit tawagin na namin ni Blair ang lahat ng santo, ni hindi ka namin magawang mapahawak ng libro. Umamin ka nga, nag-aadik ka ba?"
"What the hell, Ches?" agad kong sagot. "I have my own reasons so don't question me anymore. If you're really bored, just go upstairs and go to Kuya King's room. He's busy with his project, siya nalang ang guluhin mo."
"Gaya nga ng sinabi mo, he's busy with his project. At least siya, seryoso sa ginagawa niya. Eh ikaw? Baka nga pakana mo lang yan para-"
"Shut up! Kumain ka nalang diyan." pagputol ko sa sinasabi niya.
Bumusangot siya at nagcrossed arms. She's mumbling something na hindi ko maintindihan. Sana pala hindi ko na inimbitahan ang babaeng to.
Nahagip ng paningin ko si Ian na nakatingin sa akin. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, ngumiti siya and I smiled back. Hindi siya busy ngayon sa pagtetext tulad noon. Baka may LQ sila ng girlfriend niya.
"Hoy Ian. Break na daw kayo nung girlfriend mo? Bakit? Nagloko ka ba?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ni Ches. Hindi dahil sa tanong niya, kundi sa paraan ng pagtatanong niya. Kung totoo man na break na nga sila Ian at yung girlfriend niya, bakit pa kailangang tanungin ng babaeng to sa ganoong paraan? At nagloko? Kahit kailan talaga.
Ngumiti ng tipid si Ian. "Hindi na nagwowork yung relationship namin kaya we both decided to end it. It's a mutual decision at walang bitterness na nagaganap. And we decided to be friends after what happened."
Oo nga. Kita sa mga ngiti niya na hindi siya bitter sa nangyari. Pero yung sinabi niyang friends parin sila? Pwede ba yun? Wala bang awkwardness na mangyayari?
Akala ko kasi, hindi na pwedeng maging friends ang ang dating magkasintahan. Yun kasi ang napansin ko nang magbreak sila Ches at Joshua. Pero sabagay, magkaiba naman kasi ang sitwasyon nila.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...