Chapter 18

446 20 1
                                    

"Sana nagdeclare nalang sila na walang pasok. Hindi yung ganito! Para tuloy tayong mga tambay!"

"Hindi tayo mga tambay, Ches. Naggrogroup study tayo." wika ni Blair.

Nandito kami ngayon sa soccer field. Naglagay sila ng kumot sa damuhan kung saan kami nakaupo ngayon. Para tuloy kaming nagpipicnic.

Busy ang mga teachers ngayon dahil inaasikaso nila ang darating na Intramurals sa susunod na linggo, last week of August. Hindi namin kasama si nerd ngayon dahil kasama siyang naghahanda ng mga gagawin. Buti nalang walang practice sila Lexus kaya kasama namin sila ni Ian ngayon.

Simula kaninang umaga, nakatambay na ang mga estudyante. Katulad namin ngayon. Tama si Ches, sana nagdeclare nalang sila na walang pasok. On the second thought, mas mabuti na rin pala to. Dahil ayaw kong magtagal sa bahay.

Maaga kaming umalis kanina ni Blair at dito na kami sa school nag agahan. Dinala nalang ni Joshua ang bag ng kapatid niya na mukhang useless naman dahil wala din kaming ginagawa. Hindi naman kami pwedeng lumabas ng school dahil nakalock ang gate. Mamayang dismissal pa yun bubuksan.

Dahil wala kaming nagawa, naisip ng magaling kong pinsan na mag group study nalang kami para pampatay ng oras. Pero silang dalawa lang naman ni Lexus ang nag-aaral. Hindi ko nga alam kung kailan pa nagsimulang maging grade conscious ang pinsan ko na to.

Ito namang si Ches, tinatamad daw mag-aral. Palibhasa kasi matalino na kaya hindi na niya kailangan ng mga ganito. Si Ian, busy sa phone. Ang sabi ni Lexus dati sa amin na lagi niyang katext yung girlfriend niya na sa ibang school nag-aaral.

Ako? Hindi ako umiimik. I can still remember what happened yesterday, clearly. Kaya hindi ako halos nagsasalita. Magsasalita lang ako tuwing may kumakausap sa akin. Mukhang hindi naman nakakahalata ang mga kasama ko.

"Res, are you alright? Kanina ka pa tahimik."

Or I guess, not. Bigla nalang akong kinausap ni Lexus na nasa tabi ko. Hinarap ko siya at pilit na nginitian.

"Medyo masama lang ang pakiramdam ko. But don't worry, I'll be fine."

That was half meant. Medyo masama talaga ang pakiramdam ko. Parang ang bigat bigat ng pakiramdam ko kaninang paggising ko pero hindi ko na sinabi kay Blair. Ayaw kong mag-alala ulit siya sa akin. Napaka OA pa naman niya.

"But you don't look fine." sinalat niya ang noo ko.

Para akong nakuryente sa mga hawak niya. Pakiramdam ko ay nag-init ang mukha ko. I mean, nag-init lalo.

"May sinat ka. Kumain ka na ba? Kailangan mong uminom ng gamot. Baka lumala pa yan." nag-aalalang sabi niya.

Parang kailan lang noong tinatanaw ko lang siya habang naglalaro. Pero ngayon ang dami nang nagbago. Nagkasabay lang kami sa lunch, ngayon naging magkaibigan na kami. At ang sarap pala talaga sa pakiramdam kapag yung ultimate crush mo ay nag-aalala sayo.

"I'm really fine, Lexus. Mawawala din to." I smiled to assure him.

Pero hindi siya nagpatinag. May inilabas siya sa kanyang bag na gamot. "Mabuti nalang lagi akong may dalang mga gamot. Just in case na magkaproblema ako habang may laro. Here, drink this." iniabot niya sa akin yun gamot.

Kikiligin na sana ako pero bigla akong namutla. Feeling ko tuluyan na akong magkakasakit kapag ininom ko pa yan. Hindi sa pagiging maarte, pero takot akong uminom ng gamot. Lalo na yung tablet at capsule. Tuwing may sakit ako, palihim pang hinahalo ni Manang Linda ang gamot sa inumin at pagkain ko.

I hate medicines.

I'm scared of taking them.

Feeling ko kasi hindi ko malulunok at babara sa lalamunan ko. At nasusuka talaga ako tuwing umiinom ng gamot.

The Bitch and The Nerd (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon