"Number 1. Who is known as the father of philosophy?"
I smiled as I answered 'Socrates'.
"Number 2. Philosophy comes from the Greek philosophia, meaning what?"
Isinulat ko sa papel ko ang 'Love of wisdom'.
"Number 3. Which branch of philosophy is primarily concerned with the question of being?"
I never thought that it would be this easy. I answered 'Existentialism'.
"Number 4. It is the study of Existence."
I answered 'Metaphysics'.
"Number 5. It is the theory of knowledge."
It's 'Epistimology'.
Nagpatuloy ang quiz namin kay Sir hanggang umabot ng 30 items. I'm proud to say na nasagutan ko lahat. At confident akong tama ang mga sagot ko. Malaking tulong talaga yung reviewer na ibinigay ni nerd.
He's a nice guy actually. But I hate him for taking my cousin away from me.
--
Nandito kami ngayon sa mall. Kanina pa kami naglalakad at pagod na pagod ako.
"Where to eat? Where to eat? Where to eat?"
Bumalik na sa pagiging hyper si Ches at kanina pa niya kami paulit ulit na tinatanong kung saan kami kakain ng lunch. Pero walang pumapansin sa kanya. Busy si Blair sa pakikipag-usap kay nerd na kasama din naman ngayon. Ako naman, dahil sa inis ay nananahimik nalang ako.
Bakit kailangan pang sumama ng nerd na to sa amin? Parang bigla ko tuloy nakalimutan yung ginawa niyang pagtulong sa akin. Naiinis ako.
"Res." tinapik ni Ches ang balikat ko.
Hinarap ko siya. "Why?"
"Where to eat?" nakapout na tanong niya.
Inirapan ko nalang siya at hindi na pinansin pa. Akala ko pa naman importante yung sasabihin niya. But I won't talk. I'm pissed.
Kung pwede lang, kanina ko pa sinigawan ang dalawang ito. Silang dalawa lang ang nag-uusap. Sana humiwalay nalang kami ni Ches sa kanila. Ugh!
"Nagseselos ka nanaman kay Linden noh?" mahinang bulong ni Ches saka tumawa. "Huwag kang mag-alala. Hindi naman siguro matatanggal ang pagiging magpinsan niyo kahit close na silang dalawa."
Mas lalo akong nainis. Naiinis na nga ako dun sa dalawa tapos dinagdagan pa ng isang to! Kapag ako napuno, lalayasan ko ang mga to at sasama nalang ako kay Joshua.
"Res? Ches? Magtake out nalang muna tayo ng pagkain. Then sa food court na tayo kumain. Nagbaon kasi si Linden."
Bigla nalang sumulpot sa harap namin si Blair. Ches agreed at ako naman ay umirap. Tss. As if naman may magagawa pa ako.
Nag take out kami ng pagkain sa isang fast food chain tapos pumunta kami sa food court. Kahit weekdays ay napakaraming tao kaya medyo nahirapan kaming maghanap ng pwesto.
Sa isang table na good for 8 kami napunta dahil yun lang ang available. Sinimulan nang ayusin nila Blair at Ches yung mga pagkain. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi adobo ang baon ni nerd. Ayaw kong mawalan ng gana dahil gutom ako ngayon.
"The foods are ready!"
Pumalakpak pa na parang bata si Ches kaya natawa yung dalawa. Umirap nalang uli ako.
Sa totoo lang, bilib na ako sa mga mata ko. Lagi akong umiirap pero hindi parin sila natatanggal.
We're about to start eating nang matanaw ko sila Lexus at Ian na mukhang naghahanap ng mauupuan.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...