"Ano?! Bakit hindi ka makapagsalita?! Nakakahiya ka, Res! Sa mall pa talaga! Sa harap ng maraming tao! Hindi mo na kami binigyan ng kahihiyan ng Daddy mo!"
Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Maging si Daddy ay mukhang disappointed sa akin. Ganun na ba kalaki ang nagawa ko?
Dahil sa pagkaka alam ko, hindi ako ang nagsimula ng away na yun. Hindi ako yung sumugod nalang bigla, I mean, sumugod ako, pero inapproach sa mabuting paraan. Siya ang gumawa ng dahilan para uminit ang ulo ko. Siya ang dahilan kung bakit yun nangyari sa kanya.
Pero bakit naman ganito? Hindi nanaman ba nila ako papakinggan? Hindi ba nila aalamin yun side ko? Basta basta nalang ako papagalitan at pagsasalitaan ng masama? Ganun?
"I'm talking to you, Resort Larinae! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na harapin mo ako tuwing kinakausap kita?!"
You're not talking to me, Mom. You're shouting at me. You're scolding me.
"Tita calm down. It's not Res' fault. You saw that bastard's action on video! I will surely kill that guy when I see him!" akmang lalapit sa akin si Kuya King nang bigla siyang pigilan ni Mommy.
"Don't interfere King! I need to teach this black sheep cousin of yours a lesson!"
Ngayon black sheep na ako? Natawa ako ng mapakla. So yun pala ang tingin niya sa akin. Isang rebelde. Tss. Wala naman akong natatandaan na nagrebelde ako. Sadyang lahat lang talaga ng ginagawa ko mali para sa kanila, sa kanya.
"Larinae! Meet my eyes!"
Nag-angat ako ng tingin. Salubong parin ang mga kilay niya. Nasa tabi niya si Dad na walang ekspresyon sa mukha. Sana naman hindi siya galit.
Hinarap ko si Mommy. "I will not say sorry dahil wala naman akong kasa—"
She slapped me again.
Para akong nabingi dahil sa sampal na iyon. Namanhid ang kaliwang pisngi ko dahil sa ginawa niya. Damn. Bakit feeling ko naiiyak ako?
I'm used to this kind of shit. I shouldn't be affected. I shouldn't cry. I must not.
"Bastos ka talaga! Saan ka ba nagmana?! Bakit ganyan ka?! Why can't you be like your brother?! Magkaibang magkaiba kayo! Wala ka na ngang achievement na maipagmamalaki sa amin tapos puro pa problema ang dala mo!"
I must not cry.
I must not cry.
Damn! Bakit ikinukumpara nanaman ako sa kanya? Nawala nga siya, pero siya parin ang bukambibig niya. Hindi ko na kaya. Parang kaunti nalang sasabog na lahat ng nararamdaman ko.
"You're always with Blair, pero bakit hindi ka niya nahawaan ng kahit kaunting kabaitan?! Bakit hindi ka nahahawa sa pagiging matalino ni Chesly?! Alam mo? Kahit maloko yang mga lalaki mong pinsan, may mabuti silang ginagawa! Hindi tulad mo! Wala kang kwenta!"
Fuck. Parang tinusok ng napakaraming karayom ang dibdib ko. Ang sakit. Ang sakit na mismong kay Mommy pa nagmula ang mga salitang yun.
Naluluhang napatingin ako kay Daddy. Napailing lang siya at nag-iwas ng tingin. Doon na nagsimulang tumulo ang luha ko. Even Dad? Kahit na hindi niya ako pinapagalitan o pinagsasabihan, alam kong disappointed siya sa akin. Nakikita ko yun sa mga mata niya.
"Tita! You're going too far!" sigaw ni Kuya pero walang pumansin sa kanya.
Pasimple kong pinunasan ang luha sa mga mata ko. Bastos ako? Okay fine! Might as well panindigan ko na. I think this is the perfect time para masabi ko lahat ng nararamdaman ko. Pinilit kong pigilan ang mga luha ko ag humarap kay Mommy.
BINABASA MO ANG
The Bitch and The Nerd (COMPLETED)
Teen FictionSHE is a bitch. She was hated by many because of being mean and brat. Meanwhile, HE is a nerd who fell in love with her despite of her bad attitude. Will she do her best to ignore and push him away at all cost? Or will she fall in love with the...