PROLOGUE

801 23 0
                                    

HERIYA:THE LOST MAGICAL CITY

Nang nakaraang sampung taon,nagkaroon ng alitan ang bayan ng HERIYA AT NERIDAS. Ito ay naging usap usapan sa mataas na hukuman.

Sa di inaasahang pangyayari sampung taon na ang nakakalipas ay bigla nalamang nabura sa mapa ang dalawang bayan.

Ang mga tao sa magka parehas na bayan ay tuluyan naring nawala.

Pero isang ama ang nagsakripisyo ng buhay niya para sa anak niya. Pitong taon lamang ang bata ng mamatay ang ama nito at mawala ang kasaysayan ng kaniyang bayan-ang HERIYA.

Samantala.. Ang bayan ng NERIDAS ay tuluyan ng pinabura ng mga kataas taasang hukuman dahil sa paglabag nito sa kanilang batas.

Nalaman na ang bayan ng HERIYA ay kinaiinggitan ng mga taga NERIDAS kung kaya't isang araw ay nilusob nila ito at tinangkang patayin lahat.

Nabalitaan ng hukuman ang pangyayari ngunit huli na ito,nasusunog na ang mga kabahayan ng bayan ng HERIYAS. Marami na ang namatay at halos walang nakaligtas.

Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat,nakaligtas ang isang bata na noo'y tinulungan ng kanyang ama.

Ang batang iyon ang nagtataglay ng isang pambihirang lakas na naging dahilan para mainggit ang mga tags NERIDAS.

Nalaman kasi nila na ang batang iyon ang nagtataglay ng pambihirang lakas na kahit na sino ay nais makuha.

Napunta ang bata sa kabilang bayan,nagpalaboy laboy ito ngunit may nakakita sa kaniya at kinupkop siya at inalagaan.

Lumipas ang mga araw at namuhay ang bata na parang isang normal na to lang talaga.

Bata palang siya ay alam niya na ang kakayahan niya. Bago paman mamatay ang ama nito ay naturuan na siya ng mga ilang paraan sa paggamit ng kaniyang kapangyarihan.

Ngunit darating ang isang araw na magbabago ang takbo ng buhay niya. Makakapasok siya sa kataas taasang hukuman dahil sa isang insidenteng hindi niya aakalaing maglalagay sa kaniya sa ganoong sitwasyon.

Heriya:The Lost Magical CityWhere stories live. Discover now