Ang bango...
Kung nasaan man ako parang ayoko nang umalis. Ang komportable. Malambot naman ang kama ko pero hindi kasing lambot nito.
Wait...
Napabalikwas ako nang maalala ko ang huling nangyare. We were ambushed by armed men!
"Where am I?" May mga kinidnap ba na dinadala sa napakakomportable at napakalaking kwarto?
This is 4 times bigger than my room! And as I can see, mamahalin ang mga gamit.
Tumayo ako. I tried to search for something that I can use to protect myself pero wala akong nakita kahit kutsilyo manlang.
Magpaplano sana ako kung papano tatakas gamit ang bintana pero bukas ang pinto. Am I really a kidnap victim? Bakit ganito?
O talagang tatanga-tanga lang ang kidnappers?
Sumilip muna ako bago lumabas. Wala manlang nagbabantay? What the hell is this?
Muntik na 'kong maligaw nang lumabas ako ng kwarto. Masyadong malaki ang bahay. Nakakalula. Hindi ito katulad ng mga mamahaling bahay na makikita sa mga village. Isang mansion?
Nakarinig ako ng mga ingay na nagmumula sa baba ng hagdan. Anim na lalake. Ang tatlo ay naglalaro ng baraha. Ang dalawa ay nakahiga at ang isa ay nasa dulo ng hagdan.
Kailangan bang gwapo ang mga kidnappers? And these six. They look familiar. Quite familiar.
Maingat akong bumaba. Ang sarap lang tadyakan ng gumawa ng hagdan na 'to. Ang taas eh.
Yung lalake na nasa dulo ng hagdan, may hawak-hawak syang kutsilyo na pinaglalaruan nya. Hindi rin nakaligtas sa mga mata ko ang baril na nakasiksik sa likod nya. Kung magiging maingat ako, pwede kong makuha 'yon at pwede ko ring gamitin 'yunt lalake para gawint hostage at para na rin makatakas dito.
"Mandaraya ka talaga, Zham! Paanong nagkaroon ka ng card na pula ang likod eh yung blue ang ginamit natin? Magdadaya ka nalang patanga-tanga pa," shems! Natatawa ako. How could these kidnappers be so adorable?
At sira. Bakit ko ba naiisip na ang adorable nila eh nagawa nga nilang tutukan ng baril ang pinsan ko.
"Oh gising na-" naagaw ko na ang kutsilyo at baril bago pa naituloy nung nagdadaya daw ang sasabihin nya.
Tinutok ko sa kanila ang baril. Ang kutsilyo naman ay sa hostage.
"Where's my cousin?" seryosong tanong ko habang tutok na tutok sa kanila ang baril ko pero hindi ko nakuha ang inaasahan kong reaksyon.
Bakit hindi manlang sila natatakot? Parang humahanga pa sila sa ginawa ko.
"Pare ang tapang nya. Nakakainlove."
"Sige kung gusto mong ilibing ka ng buhay ni boss."
"Where's my cousin!?" sigaw ko.
"Ah-nasa bahay nila?" Niloloko ba 'ko ng mga lalakeng 'to? Paano mapupunta sa bahay nila kung kinidnap nga nila kami?! Stupids!
Ang sarap mamaril ng mga pagkakataong ganito.
Binato ko ng kutsilyo ang sumagot na nasa bahay daw ang pinsan ko. Sinadya kong matamaan sya sa tenga.
"Wag nyo 'kong pinagloloko. Asintado ako."
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...