Ang hapdi na ng mata ko kakaiyak. Hindi ko alam kung para saan ba ang mga luhang bumuhos. Kung dahil ba sa opportunity na nawala na matagal ko ng hinagad o dahil sa mga salitang nabitawan ko.
I can't lie. Unti-unti ng nagkakaroon ng epekto sakin si Sean and I don't know if I want it.
Tumalikod ako sa kinahihigaan ko ng marinig kong nagbukas ang pinto.
"George,anak" it's nanay Celia. Kanina pa sya nag-aalala sa akin pero pinili pa rin nyang hayaan ako na mapag-isa.
"Nasa baba si Sean" madiin kong pinikit ang mga mata ko.
There's a lot of emotions that want to explode pero isang emosyon lang ang gusto kong i-entertain. Ang inis ko. I think, that's the right thing to do. Ang mainis sa kanya. I can't let myself fall for him but there's a big part of me refused to hate him.
"S...sige po" sa boses palang, mahahalata na kagagaling ko lang sa iyak.
Hindi ko na pinagkaabalahang tignan ang sarili ko sa salamin. Wala na kong pakialam sa iisipin nya. Wala nga syang pakialam sa iniisip ko diba?
"George" napatayo sya ng makita ako. Tumitig sya sa mga mata ko at alam ko kung bakit. Dahil pugtong pugto na ang mga mata ko.
"What are you doing here?" Kasama nya nanaman yung anim. Tss.
"Can we talk?" Sandali ko syang tinitigan. Talk? Talk kung saan sya lang ang nasusunod? Talk kung saan hindi importante ang opinyon ko? Damn that talk!
Hinubad ko ang engagement ring na binigay nya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang kamay nya para ibigay ang engagement ring. He stunned. No, they stunned.
"Matagal ko na dapat 'tong ginawa"
"George-"
"Marriage is a lifetime relationship and I can't see myself carrying your child or being your wife. Ayokong pumasok sa isang relasyon kung saan hindi napapakinggan ang opinyon ko, ang mga gusto ko. You think it will work? Huh? Because I don't think so. Please, just please. Umalis nalang ulit kayo sa buhay ko" tatalikuran ko na sana ulit sya pero nahawakan nya agad ang braso ko.
"I can't do that. I-I" hindi nya maituloy ang sasabihin nya. Halatang nahihirapan sya pero ayokong magpaapekto.
"You can't force someone to marry you just because you say so" binawi ko ang braso ko at umakyat.
Heto nanaman ang mga luha kong nagbabadyang tumulo. Bakit ba kailangan ko syang iyakan?! Bakit kailangan kong manghinayang?! Bakit pakiramdam ko kabaliktaran ng mga sinabi ko ang gusto ko talagang sabihin?
Hindi ko na maalala ang mga ginawa o lahat ng inisip ko ng gabing 'yun. Ang alam ko lang, nakatulog ako sa kakaiyak kaya pugtong pugto nanaman ang mga mata ko kinabukasan.
"Wag ka na muna kayang pumasok, hija?" Hindi pwedeng excuse ang umiyak ako kaya ako aabsent. I'm sure they will understand because I'm vice president's daughter and not beacause of my excuse.
"Marami po akong gagawin" hinalo halo ko ang gatas na binigay ni nanay Celia kahit hindi naman dapat haluin dahil gatas yun ng baka.
"Hija-"
"Okay lang po ako nay" humalik ako sa pisngi nya at kinuha ko na ang bag ko para umalis kahit hindi pa naman ako kumain.
Paglabas ko ng bahay, napatingin agad ako sa lugar kung saan naghintay si Sean nung sinundo nya ko.
Napabuntong hininga ako. Sumuko na nga siguro sya. I can't blame him. I pushed him to do it. Ako ang may gusto nito kaya wala akong karapatang maging malungkot.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...