"Hija, ano bang problema at ganyan ang muka mo?" Hindi ko na namalayan na pumasok na pala si nanay Celia sa kwarto ko.
Busy kasi ako kakaisip kung anong susuotin ko eh.
Si nanay Celia ay kapatid ni tatay boy. Bata palang ako, naninilbihan na sila sa amin. Maagang namatay ang asawa nya at hindi na sya nagka-anak.
"Nay, ano po sa tingin nyo ang dapat kong suotin?" tinuro ko kay nanay ang walong dress na napili ko na nilapag ko sa kama.
"Kung saan ka komportable anak"
Tama naman si nanay Celia pero magiging komportable ako kung hindi ako panget sa harap ni Sean.
"Bababa muna ako hija. Dadalhan kita ng maiinom"
"Sige po"
Nasa kalagitnaan ako ng pagpili ng biglang tumunog ang cellphone ko. May tumatawag na unregistered number.
"Hello? Who is this?"
("Hey, this is Sean") nakagat ko ang ibabang labi ko. May kakaibang emosyon ang parang lalabas.
"How did you get my-nevermind. You have all the sources you need nga pala. Bakit napatawag ka?"
("Are you ready?")
"Uhm..not yet. Give me an hour. Hindi pa ko nakakaligo eh"
("Okay. I'll be right there after an hour. Don't forget to save my number") he ended the call.
I lied. Actually 30 minutes na kong nakaligo at 30 minutes ko na ring suot ang roba ko. Malapit na ngang matuyo ang buhok ko.
"Couuuuz!" muntik ng mahubad ang roba ko dahil sa brutal na pagkakayakap sa akin ni Liza.
"Oh! Anong okasyon? Ang daming damit nito. Oh my gosh! May ka-date ka? Yieee pero patay ka kay Sean" madalas talaga kapag si Liza ang kausap mo ay hindi mo na kailangang sumagot.
"Hindi ako makikipag date, ano ka ba? Tulungan mo nalang akong mamili"
"Ang chachaka naman ng mga yan girl! Oh! Wait, did you remember the dress I gave you? I think this is the right time for you to wear it" kumunot ang noo ko.
Hindi ko maalala ang dress na sinasabi nya pero isa lang ang sinisigurado ko, siguradong hindi magandang suotin yun.
"Andito! Look! See? Ang bongga diba?"
Isang long gown pala ang tinutukoy nya. Labas na labas ang likod ko dahil backless, hindi lang cleavage ang makikita dahil kalahati ng dibdib ang bulgar at may hati din sa magkabilang gilid kaya expose na expose ang legs.
Binato ko sya ng unan.
"Ano ka ba, Liza! Mapapatay ako ni Sean kapag sinuot ko yan!" mababatukan ko ang sarili ko! Parang inamin ko na din na si Sean ang kikitain ko.
"Oh Em geeee! So sya nga? Oh my gosh! That is so..so..so bongga! Girl-hey! Why are you pushing me ba" tinulak ko sya palabas ng kwarto ko.
"Gabi na kaya umuwi ka na. Ang daldal mo"
Sa huli, isang off shoulder na black fitted dress ang sinuot ko. Nilugay ko ang buhok ko pero kinulot ko ang dulo at naglagay na din ako ng light make-up.
"Teka nga, bakit ako nag-aayos? Hindi! Hindi ako nagpapaganda para kay Sean. Gusto ko lang magmukang presentable. Yun lang yun, tama, yun lang yun" mapapagkamalan ata akong baliw dahil kinakausap ko ang sarili ko sa salamin.
Gusto ko lang naman na linawin sa sarili ko na hindi ako nagpapaganda.
"George, hija. Nasa baba si Sean"
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...