This chapter is dedicated to yux_paparaxxi05. Salamat sa pagsuporta. Hope you enjoy this chapter.
****************************
"Pare, tama na. Ikakasal na sila ni boss. Tanggapin mo na" tinignan ng masama ni Chris si Zham
"Sa tingin mo kung hindi ko tanggap, mananahimik lang ako at walang gagawin?" Nagsalin ulit sya ng whiskey at nilagok.
"Eh tangina naman pare, tanggap mo naman pala tapos susunugin mo sa alak ang atay mo? Tapos balak mo pang hindi pumunta sa kasal nina George" halos pasigaw na sabi ni Liam. Biglang tumayo si Chris at malakas na inihagis ang bote ng whiskey sa sahig.
"Wag nyo 'kong igaya sa inyo na kinaya nyo! Kung kayo, nakalimutan nyo na sya, ako hindi pa! Tangina, sobra kong minahal si George. Nirerespeto ko sila ni boss. Nakikita nyo naman diba? Tiniis ko na makitang magkasama silang dalawa pero baka pwedeng...ako naman ang respetuhin nyo ngayon? Kasi di ko alam kung kakayanin kong makita silang ikasal" sinipa nya ang upuan na nasa harap nya bago pumunta sa kwarto nya.
Bumuntong hininga ako at inayos ang mga sinira ni Chris. Napaisip tuloy ako kung tama lang ba na binisita namin sya dito sa bahay nya. Hindi na kasi sya nagpapakita sa mansion kaya kami na mismo ang pumunta sa kanya para kamustahin at kausapin pero ito ang nadatnan namin. Bote ng mga alak na wala ng mga laman
"Anong gagawin natin sa kaibigan nating 'yon? Siguradong nakakapansin na si boss at hindi na 'ko magugulat kapag pumunta dito si boss"
Walang nakasagot kay Sampson. Natahimik kaming lima at pare-parehong napaisip.
Sa aming anim, si Chris nalang siguro ang hindi nakakaahon mula sa nararamdaman nya kay George. Aaminin kong kahit papano ay may nararamdaman pa 'ko kay George pero hindi na katulad ng dati. Kaya ko na silang panuorin ni boss na bumuo ng pamilya habang nakangiti.
Sobrang dali naming nahulog kay George pero sobrang tagal bago namin naalis ang nararamdaman namin. Mabuti pa nga si Red, may Liza sya na nakatulong sa kanya pero kami? Wala. Sana lang maging masaya na si Chris.
"Una na 'ko" hindi ko na hinintay ang sasabihin nila. Lumabas na 'ko agad at sumakay sa kotse ko.
Nagpagasolina muna ako bago ako nagpatuloy sa pagbyahe. Ito ang ginawa ko noong mga panahong lubog na lubog ako sa nararamdaman ko kay George. Magpapagasolina ako tapos magbabyahe kung saan saang lugar na hindi ko alam. Madalas nakakapunta ako sa mga probinsya at don mamamalagi ng ilang araw o linggo.
Hindi ko alam kung bakit at paano nakatulong 'yun sakin dahil unti-unting naglaho ang pagmamahal ko kay George. Hindi na 'ko nasasaktan sa tuwing makikita ko sila ni boss na magkasama at kaya ko na maging totoong masaya para sa kanila.
Mahigit tatlong oras akong nagmaneho papunta kung saan. Nakakatulong talaga sa akin ang katahimikan at ang mga puno't halamang nadadaanan ko. Kumakalma ang utak ko at nawawala ang bigat ng pakiramdam ko na dala ng maraming problema.
Ilang buwan nalang, ikakasal na si boss at mabigat man sa pakiramdam, kailangan na naming maghiwahiwalay at tumira sa kanya-kanyang bahay. Alam naman namin na mangyayare 'to pero hindi lang talaga ako makapaniwala na nangyayare na ang bagay na---
"Shit! Ano 'yon?" Itinigil ko agad sa tabi ang sasakyan ko at mabilis na lumabas para tignan ang bagay na nasagasaan ko.
"Fuck!" Isang babae ang nakaupo na sa gilid ng kalsada. Naka-itim na bestida at tulala na parang walang nangyare.
"Miss? Oh damn! I'm sorry--"
"Ayos lang ako. Hindi mo naman ako nasagasaan. Nadanggi lang pero hindi naman malala"
Napakalamig ng boses nya na parang galing sa pagdadalamhati. Hindi ko alam kung ano 'tong kakaiba kong naramdaman nang marinig ko ang boses nya.
"Pero may sugat ka sa tuhod" tinignan nya lang ang tuhod nya at hindi umimik.
Bakit ganito ang mga mata nya? Bakit parang ang lungkot ang puno ng pangungulila? Totoo ba 'tong nakikita ko o baka naghahanap lang ako ng karamay sa pagiging mag-isa ko?
"A-ayos lang ako...ayos lang ako...ayos lang ako"
Natulala ako sa kanya. Ang malamig nyang mata ay napuno ng luha na wala akong ideya kung ano ang dahilan. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin na yakapin sya.
"Ssshhh. It's okay. Halika, ihahatid kita" ikinagulat ko ang bigla nyang pagpayag. Inalalayan ko syang sumakay sa kotse ko.
Tinuro nya lang ang daan papunta sa bahay nya pero bukod don, wala na kaming pinag-usapan pang iba. Narating namin ang isang probinsya at tumigil kami sa harap ng isang luma pero malaking bahay.
"Sigurado ka bang okay ka lang? Dapat sigurong dalhin kita sa hospital" umiling sya at ngumiti ng tipid.
"Ayos lang ako. Gabi na, magbabyahe ka pa ba? Tumuloy ka kaya muna sa bahay ko"
"Ha? Sigurado ka? Hindi ka natatakot na may gawin ako sayong hindi maganda?"
Hindi naman sa may gagawin akong masama sa kanya pero nakakapagtaka talaga kasi na ang bilis nyang pumayag at mag-alok sa akin na hindi nya kilala. Maganda syang babae kaya kailangan lang na mag-ingat sya.
"Wala na rin naman akong pakialam kung may mangyare sa akin. Staka kung may plano ka man na hindi maganda, eh di sana kanina mo pa ginawa. Sya nga pala, Bianca. Bianca ang pangalan ko"
"T-Tres. Tres ang pangalan ko" tumango sya at ngumiti. Isang totoong ngiti pero parang may kulang. Hindi ko alam kung ano o baka naman nasosobrahan lang ako sa pag-iisip.
"Halika. Pasok ka"
Bakit parang ako ang nag-aalangang pumasok samantalang sya ang dapat kabahan? Pakiramdam ko tuloy hindi ko sya nirerespeto dahil sa ginagawa ko. Damn, Tres! Ano ba 'yang mga pumapasok sa utak mo?
Malaki ang loob ng bahay nya pero halos lahat ng kagamitan ay antique. Pakiramdam ko napunta ako sa sinaunang panahon nang pasukin ko ang bahay nya.
"Mag-isa ka lang?" Tipid syang ngumiti.
Dinala nya 'ko sa isang silid sa ikalawang palapag ng bahay nya. Binuksan nya ang ilaw at inayos ang kama.
"Ito muna ang magiging kwarto mo habang nananatili ka sa probinsya namin"
"Habang nananatili?"
"Hindi ito ang unang beses na nakita kita, Tres. Napansin ko tumitigil ka sa isang lugar ng ilang araw kaya binubuksan ko ang bahay ko para sayo" ngumiti sya pero matamlay ulit.
Hindi ko alam kung bakit bigla akong napatitig sa kanya. Maganda sya. May muka sya na maihahalintulad sa isang anghel pero ang mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit ang lungkot ng mga mata nya.
"Bakit ka mag-isa dito? Asan ang pamilya mo?"
"Namatay sa panganganak sakin ang mama ko. Namatay sa aksidente ang papa ko noong isang buwan. Ang lola ko naman ay nalunod sa ilog nang subukan nyang sagipin ang isang bata. Inatake naman sa puso ang lolo ko. Kanina lang sila inilibing"
Kaya pala sya nakaitim at kaya sya ganito kalungkot.
Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi normal ang pagtibok ng puso ko habang nakatitig ako sa maganda nyang muka. May kakaibang emosyon na parang gustong kumawala at alam ko kung saan 'to papunta....
Tumayo ako at hinila sya para yakapin. Tumingin ako sa taas at ngumiti. Kung sya ang sagot sa mga panalangin ko, maraming salamat po. Pangako, hindi ko sya papakawalan. Iingatan ko sya at poprotektahan.
"Ssshhh. Binigay mo na sakin ang tiwala mo, pwede bang lubos lubusin mo na? Kasi hindi na kita papakawalan pa"
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...