TPG XXXVII

24.4K 586 32
                                    

"Sean" naibulalas ko.

Nakasandal sya sa kotse nya. Binaba nya ang cellphone at hindi sya tumitigil sa pagtitig sa akin, titig na mas lalong nagpakaba sa akin.

"Si Sean ba 'yun?"

"Oo"

"Puntahan mo na sya. Okay na 'ko dito"

"Sigurado ka?"

"Yup. Salamat sa oras"

Kinalma ko muna ang sarili ko at lumabas. Bawat hakbang ko, bumibigat ang pakiramdam ko. Alam kong may nagawa akong mali at alam kong titignan nya 'yun sa ibang paraan. Siguradong pag-iisipan nya ng masama ang pagsisinungaling ko.

Hindi ko alam kung paano magpapaliwanag, kung paano aayusin 'to.

"Sean, p-pano-"

"Sinundan ko ang sasakyan nyo kanina. Nasa labas lang ako ng bahay nyo at nagbabantay. Dapat siguro hindi na 'ko nag-alala. Tutal malakas naman na ang loob mo na lumabas ng ganitong oras mag-isa pagkatapos ng mga nangyare kanina para lang makipagkita sa kanya"

Sumasabay sa lamig ng gabi ang lamig ng pagsasalita nya. Bawat salita ay may katumbas na panlalamig na humihiwa sa dibdib ko. Parang may bumara sa lalamunan ko at hindi ako makapagsalita.

Nagkamali ako. Nagsinungaling ako pero hindi nya manlang ba 'ko tatanungin kung bakit ko nagawa 'yun? Hindi nya manlang ba papakinggan ang paliwanag ko? Kailangan nya ba talaga akong saktan at ipamuka sakin na isang pagkakamali ang pag-aalala nya?

"I'm sorry"  hindi ko na alam kung para saan 'yun. Kung para ba sa nangyare sa party kanina, para sa pagsisinungaling ko o para sa nararamdaman ko ngayon dahil...dahil parang napapagod na 'kong magpaliwanag.

"Sorry? For what? George, grow up! Nakita mo ba ang mga kamag-anak mo kanina? Did you see their faces? Did you see how worried they were? And now, you're here, meeting that guy! Alam mo ba kung anong oras na at tumakas ka pa dahil lang sa lalakeng 'yan!"

"He's not just a guy! Matalik ko syang kaibigan and he needs me. Sorry! Sorry kung naabala ki-"

"Wala akong sinabing gan-"

"Pero 'yun ang dating ng mga sinasabi mo! Hiningi mo ba ang paliwanag ko? Kaya nga humihingi nalang ako ng sorry sa kung ano man ang iniisip mong dahilan kung bakit ako nagsinungaling"

"And now I'm the bad guy, huh? Your explanation is not needed if you just tell me the truth"

"Ano bang pinag-aawayan natin dito, Sean? Tungkol pa ba 'to sa pagtakas ko o gumagawa ka nalang ng dahilan para magkaganito tayo?"

"You're paranoid"

"Am I? Akala mo ba hindi ko napapansin ang pagiging tahimik mo minsan? Hinihintay kitang magkwento...pero heto ako, naghihintay pa rin"

"Wag mong ibalik sakin-"

"Hindi ko binalik sayo. Nakakapagtaka lang kasi na matapos ang mga pananahimik mo, nag-aaway na tayo ngayon"

Hindi sya umimik. Hindi ko alam kung tama ba ako o naguguluhan sya o hindi nya lang talaga alam ang isasagot nya. Nagkatitigan kami at nagpakiramdaman. Ako lang ba ang nasasaktan ngayon? Ako lang ba ang apektado sa pag-aaway naming ito?

"Paano tayo umabot sa ganito? Bakit...tayo nagkaganito matapos lang ng ilang oras? Bakit...ang sakit?"

Yumuko ako. Pinagmasdan ko ang pagtulo ng mga luha ko sa sahig. Hindi ko na alam kung saan nagmumula ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam na posible pala akong masaktan ng ganito pagkatapos lang ng ilang oras.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon