"Good morning, honey. Gising na."
Napangiti si Sean nang marinig ang malambing na boses ng magandang asawa. Tuwing umaga naman niya itong naririnig pero kahit kailan, hindi sya nanawa.
"Hmm? Where's my morning kiss?"
"Bumangon ka muna dyan. Ikaw ang magbabantay sa mga bata, remember? May lakad kami nina Liza at LM."
Agad na napasimangot si Sean. Paano ba naman, nautakan sya ng asawa. Nilasing sya nito kagabi at pinilit na payagan si George na lumabas ngayong araw.
"Mahal, alam mo ba kung gaano karami ang anak natin?"
"Aba, sino bang ang kulbit nang kulbit sa gabi? Kung hindi ka naman kasi mahilig, eh di sana hindi aabot sa lima ang mga anak natin. Tumayo ka na dyan at 'wag mo 'kong simulan! Baka nakakalimutan mo ang atraso mo sakin?"
Naiiling na bumangon si Sean at naglalambing na yumakap sa asawa. Hindi naman nya kasi akalaing mahuhuli sya na tumatakas dis oras ng gabi. Ang lakas kasi ng pakiramdam ng asawa.
"Sige na, ako na bahala sa mga bata. I love you!"
"Oo na. Byeee!"
Sumama ang anyo ni Sean nang umalis si George ng hindi sinasagot ang 'I love you' nya. Hindi manlang sya hinalikan!
Tss. Hindi na talaga ako tatakas. Hirap galitin si misis
Kahit antok na antok, pinilit nyang bumangon at maligo ng mabilis. Dumiretso sya sa kusina para ipagluto ang mga anak ng almusal. Mukang iniinis talaga sya ng asawa dahil pinayagan nito ang lahat ng katulong na umuwi sa kani-kanilang pamilya.
"Daddyyyyyyy!"
Nakangiti nyang sinalubong ang mga anak. Siguradong ang bunso nila ang unang nagising kaya sabay-sabay ang mga itong bumaba. Ito lang naman ang mahilig manggising sa kanila.
"Daddy! Pancake!"
"Bacon! Bacon!"
"I want cereal and milk."
"Pandesal with leche plan! Daddy fasteeeer!"
"Daddy, milk po."
Kahit anong bilis ang gawin ni Sean, inabot pa rin sya ng ilang oras bago maiabot ang mga hinihingi ng mga anak. Reklamo pa ito nang reklamo at mas lalo pa syang nataranta nang marinig nyang biglang umiyak ang bunsong si Maia. Pati ang mga kuya nito ay nagulat at nag-unahang lapitan ang kapatid.
"Maia, what's wrong?"
"May masakit ba?"
"May kumagat ba sayo? Sabihin mo kay kuya kakagatin ko rin."
"Wawa naman ang baby. Shhh na."
Hindi napigilang mapangiti ni Sean. Matagal nya ng napapansin ang kakaibang atensyong binibigay ng mga anak nyang lalake sa kanilang bunso. Matataranta na agad ang mga ito kapag hindi umiimik si Maia at umiiyak silang lahat kapag nalamang may sakit ang bunso.
Kaya siguro lumalaking mahina ang bunso nila at 'yon ang madalas napapansin ng asawa nyang si George. Madalas itong umiyak at takot sa mga tao. Kahit sino kayang kayang paiyakin ang bunso nila.
At sa tuwing nangyayare 'yon, gusto nyang maging kriminal. Matagal nyang ipinagdasal na bigyan sila ng babaeng anak pero hindi para saktan ng kung sino lang.
"It hurts! Yung dila ko po napaso."
Biglang nataranta si Sean lalo na nang pumalahaw sa iyak ang bunsong anak. Hindi nya alam kung ano ba 'yong parang kutsilyong tumutusok sa dibdib nya sa tuwing nakikitang umiiyak ang anak.
"Okay na po, daddy. Sorry po."
Isa pa ito sa problema sa bunso nya. Lagi itong humihingi ng sorry kapag umiiyak. Laging iniisip ng bata na masama ang umiyak.
"It's okay, baby. Gusto nyo ba sumama sa office kay daddy?"
"Opo!" sabay-sabay na sigaw ng mga anak na lalake habang nanatiling nakatungo si Maia at nagpipigil ng luha.
Siguradong hindi nito aaminin na masakit pa rin ang dila nya. Binuhat ni Sean ang anak at kinandong sa kanyang hita. Sya na mismo ang nagpakain dito habang iniintindi nya ang iba pang anak.
"Ligo na tayo?"
Habang buhat si Maia, hawak nya naman sa kanang kamay si Evan. Si Ethan naman ay nasa gitna ng kambal na sina Kiel at Kyle. Magkakahawak kamay silang umakyat at sabay sabay na sumugod sa bathtub.
Natatawa na lang si Sean kahit na ang kukulit ng mga anak nya. Ngayon hindi nya maisip kung paano nagagawa ng asawa nyang asikasuhin sya at ang mga anak araw-araw eh ang dami ng mga chikiting nila.
Hindi na siguro ako kukulbit sa gabi
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...