Pasensya. Ito lang ang kinaya ng aking brain
Warning: May part na medyo SPG. Medyo lang naman haha
***************************
Ang dapat na masaya naming kasal, nauwi sa isang trahedya. Isang trahedya na kahit kailan, hindi ko naisip na pwedeng mangyare lalo na sa pamilya ko.San ba kami nagkamali? Ano ba ang naging kasalanan namin para sapitin namin 'to?
"Wife, you need to rest" umiling ako ng umiling habang umiiyak pa rin.
Kanina pa 'ko pinagtitinginan. Ako lang naman kasi ang naka-wedding gown sa loob ng hospital, magulo ang ayos at umiiyak. Kitang-kita sa puti kong gown ang mga dugo ng mga kamag-anak ko.
Si lola Cecelia, si daddy, si Eintein at ang anak ni Liza na si Violet. Lahat sila nasa loob ng mga kwarto ngayon at ginagamot.
Paano nangyare 'to?
"But wife--"
"Sino sila? Bakit nila ginawa 'to? Bakit?!"
Sa buong buhay ko, ngayon lang ako nagalit ng ganito. Akala ko sagad na sagad na 'ko nong dinukot si dad pero may mas isasagad pa pala. Hindi ko na nakikilala ang sarili ko dahil sa matinding galit na lumalamon sakin ngayon.
"Ssshh. Everything will be fine" hinayaan ko si Sean na yakapin ako.
Mula kanina, hindi ko pa naririnig si Sean na nagsalita tungkol sa nangyare. Pakiramdam ko may alam sya sa mga nangyayare pero sana, sana mali ako dahil hindi ko alam kung paano sya pakikisamahan kapag nalaman ko na may alam sya at hindi nya sinasabi sakin.
"Hija, umuwi ka na muna. Kami na ang bahala dito"
Ilang beses akong tumanggi. Ilang beses akong nagmatigas pero pinagtulong-tulungan nila ako kaya sa huli, pumayag din ako. Kahit na may matinding emosyon na lumalamon sakin ngayon, nakakaramdam pa rin ako ng pagod.
"Let's go"
Hindi na 'ko nagtanong nang dalhin ako ni Sean sa mansion nya. Ilang sandali ko munang pinagmasdan ang bahay nya.
Kung hindi siguro nangyare 'to baka sa bagong bahay namin kami uuwi ni Sean ngayon
"Let's go" tumango ako at hinayaan si Sean na alalayan ako.
Habang naglalakad, bumalik nanaman sa alaala ko ang mga nangyare kanina. Ang mga pagpapaulan ng bala, mga sigawan, iyakan at mga dugo nagkalat sa isla. Maraming napatay sa kalaban, may mga nahuli pero walang pakinabang. Hindi sila nagsasalita at tikom ang bibig nila tungkol sa tao o mga taong nasa likod ng nangyare kanina.
Pagpasok namin sa kwarto ni Sean, pumunta agad ako sa bathroom nya at naligo. Umupo ako sa sahig at niyakap ko ang sarili ko habang walang tigil sa pagtulo ang mga luha ko. Kanina pa 'ko umiiyak pero parang karagatan ang pinagmumulan ng mga luha ko, hindi maubos-ubos.
"Wife" hindi ko sya tiningala. Alam kong nasa harap ko sya ngayon pero hindi ko magawang alalahanin ang hubad kong katawan.
"Hey"
Hinawakan nya ang baba ko para iangat ang muka ko at tumingin sa kanya.
"Stop crying. They will be fine, evertything will be fine"
"Pero Sean...pagod na 'ko sa ganito eh. Pagod na pagod na 'ko. Parang gigising nalang ako para makipagsapalaran. Ayoko na ng ganito. Simpleng buhay lang naman ako gusto ko"
Hindi ko alam kung namamalikmata ba ako o talagang nakakita ako ng sakit sa mga mata nya. Hindi ko alam kung bakit o kung may nasabi ba 'kong mali.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...