After 2 weeks..."Nakakainiiiiis! Tapos sya pa ang makapal ang muka na hindi ako replyan ngayon?! Nakuuuu!"
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kaming nagkakatinginan ni Einstein. Mahigit isang oras na kaming nakatambay sa main garden ng school at sa mahigit isang oras na 'yun, walang ibang ginawa si Liza kundi ang sumigaw, magreklamo at magmaktol sa harap namin nina Joseph, Einstein at Cedric.
Ramdam na ramdam ko ang pagkairita sa mga kasama ko pero mas pinili nalang nilang manahimik.
Kilala namin si Liza. Kapag pinatulan pa nila yan, mas lalo lang yan magiging baliw.
"Tapos playing cold ang drama nya ngayon?! Aba! Mas maganda naman ako sa mga naging babae nya"
Ang galing talaga sa paraphrasing ng pinsan kong ito. Ganyan din naman halos ang mga sinabi nya kanina. Buti hindi pa sya naririndi sa sarili nya no?
"Bwiseeeet talagaaaa"
"Beshie, isang batok lang oh. Pagbigyan mo na ko" nanggigigil na bulong ni Cedric sa akin. Tumawa lang ako ng mahina pero hindi ako sumagot.
"Liza tama na yan. Baka sitahin tayo dito"
"Eh kasi naman couz! Yang Red na yan! Deadmahin ba naman ang beauty ko?"
"Tss. Sino nagsabing may beauty ka?" Hindi ko alam kung inaasar ba ni Einstein si Liza o talagang naiinis na sya dito kaya nya nasabi yun pero isa lang ang sigurado ako, away nanaman 'to.
"Shut up! Hindi kita kausap"
"Yeah yeah. Talk to my hand"
"You know what? You are so paepal talaga Einstein"
"Ano nanamang kaartehan yan? Hindi nanaman bagay sayo"
Naiiling nalang ako habang pinapanuod ko ang mga pinsan ko na nagtatalo. Kailan kaya magkakasundo ang dalawang 'to? Daig pa nila ang aso't pusa kung mag-away eh.
"Ano ba Einstein! Hindi nga kasi ikaw ang kausap ko!"
"Eh bakit ka sumasagot sa mga sinasabi ko? Bobo"
"Tama na 'yan. Akala ko pa nandito tayo para magpahinga?" Pinipigilan ko na rin ang inis ko.
Pano ba naman kasi, napakaisip bata nila kung mag-away at dito pa nila piniling magsigawan? Nakalimutan ba nila na politician at sikat ang mga magulang nila?
College na pero naiwan ata sa elementary ang mga ugali nito. Tss.
Ilang minuto silang natahimik pero...
"Ikaw naman talaga ang may kasalanan! Isip bato mo kasi!" Here we go again
"Ako pa? Can you please shut up, Liza and give us some peace?"
"Peace? Permanent na peace, gusto mo?"
"Try me"
Nagkatinginan kami nina Cedric at Joseph. Kahit walang nagsasalita sa amin, alam ko na naririndi na sila sa dalawa.
Ako na amg nahihiya sa kanila. Dalawang pinsan ko ba naman ang magbangayan sa harap nila?
"I think, we should leave them" bulong ni Joseph. Tumango naman si Cedric at halatang halata na yun din ang gusto nya.
Tumayo kami at tahimik na iniwan 'yung dalawa na hindi ko alam kung kelan mananahimik.
Hindi manlang nila napansin ang pag-alis namin at ng bodyguards ko.
"Canteen muna tayo? Nagugutom na din ako" pareho kaming tumango ni Joseph. Medyo nakakaramdam na rin ako ng gutom eh.
Hindi pa rin nawawala ang mga estudyanteng tumutingin sa amin lalo na ng mga babae. Dalawang hearthrob lang naman ang kasama ko. Pano pa kaya kung andito si Eintein? O kaya si Sean at ang mga tauhan nya? Baka magkagulo na talaga.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...