Hindi pa 'ko nakakababa ng hagdan nang makarinig ako ng ingay mula sa baba. Ingay na mukang hindi maganda ang pinagmulan. May mga nababasag, may mga natutumba at kung ano-anong lagabugan. Lumabas din si Sean ng kwarto nya at sabay naming tinakbo ang baba kung saan nagmumula ang ingay.
"Black?" Sumulyap ito sa'kin at saka pinagpatuloy ulit ang pakikipaglaban dun sa anim.
Oo. Anim ang kalaban nya. Pinagtutulungan sya nina Chris, Sampson, Red, Tres, Liam at Zham. Hindi ko naiwasang mapatulala habang pinapanood syang nakikipaglaban. Hindi ko akalain na ganito sya kagaling at kalakas para malabanan ang anim na 'yun. Hindi manlang sya natatamaan at nakakaatake pa sya kahit abala sya sa pagsangga.
Ang galing
"Move!" Sigaw ni Sean.
Sa isang iglap, tumabi 'yung anim. Naiwan sina Black at Sean na nakikipaglaban. Masamang masama ang tingin nila sa isa't-isa na parang wala silang balak buhayin ang kalaban. Nakakahanga ang bilis nila, ang lakas at abilidad. Kung hindi ko sila nakikita ngayon, hindi ako maniniwala na posible 'to. Hindi ko na halos masundan ang laban nila dahil sa bilis nila.
"Stop" hindi nila ako pinansin. Inatake ni Black si Sean mula sa likod at hindi kapani-paniwalang nasangga ito ni Sean ng parang wala lang.
Sinuntok ito ni Sean sa tagiliran at sinipa sa tiyan kaya tumama ito sa pader. Ito ang kauna-unahang beses na natamaan si Black. Hindi ko makita ang muka nya dahil sa mask na suot nya pero nararamdaman ko na talagang nasaktan sya sa atake ni Sean. Hindi man binigay ni Sean ang buo nyang pwersa, malakas pa rin ito.
Shit
Tumakbo ako papalapit sa kanila at hinila si Black bago pa tumama ang kamao ni Sean sa muka nya. Mabuti nalang at napigilan ni Sean ang kamao nya para hindi tumama sa pader.
"Ano ba! Bakit nyo ba sya pinagtutulungan!" Galit na sigaw ko dun sa pito, lalo na kay Sean.
Gustong gusto kong tanggalin ang mask na suot ni Black para i-check sya pero mukang hindi magandang ideya 'yun. Siguradong hindi nya magugustuhan 'yun kaya tumayo nalang ko sa tabi nya at pilit binabasa ang ekspresyon nya kung may nababasa nga ba ako.
"Are you okay?" Saka lang ako nito tinignan. Nabura ang galit nito sa muka.
Sa halip na sumagot, hinawakan nya ang gilid ng labi ko na kakagamot lang.
"I told you, I'll come with you"
"Malayo 'yan sa bituka" nilayo ko na ang muka ko bago pa sya sugurin ulit ni Sean dahil sa selos.
"Sino 'yan?" Inis na tanong ni Zham.
"He's Black. He's here to help" pormal na sagot ko. Nagkatinginan 'yung anim at hindi na sumagot pa.
"Help? We don't need him here" mas masama ang tingin ni Sean sa kanya ngayon kumpara kanina.
"Ganun ba? Sige, mauna na kami" hinila ko ang kamay ni Black pero bago pa 'ko makalayo, hinila na 'ko ni Sean sa braso kaya napunta ako sa tabi nya.
"You'll stay here and you, get out of my house" galit kong binawi ang braso ko. Nilabanan ko ang tingin ni Sean gamit ang masamang tingin.
"Why are you acting like that?! Ano bang problema nyo? I asked his help at nagmagandang loob syang tumulong. Ngayon, kung hindi nyo matanggap 'yun, sige, kami nalang ang gagawa ng paraan para iligtas ang daddy ko!"
"You trust him? He's a stranger-"
"Yang stranger na sinasabi mo, 'yan ang sumagip sakin nung hindi ko kayang lumaban dahil inaapoy ako ng lagnat. Yang stranger na sinasabi mo, sya ang dahilan kung bakit nakatayo ako ngayon, buhay, malinis. Yang stranger na 'yan ang nagligtas sakin nung muntik na 'kong magahasa habang ikaw, abala sa babaeng nasa opisina mo. At 'yang stranger na 'yan, sya 'yung nag-abalang magbigay sakin ng oras habang ikaw, busy sa panggagago sakin"
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
حركة (أكشن)Georgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...