TPG XX

37.3K 920 41
                                    

Patagal na ata ng patagal ang update ko huhu so heto na po ulit.

Sorry sa mga typo, wrong grammar etc. Wala na kong time para mag-edit. Sinisingit ko nalang talaga 'to sa mga ginagawa ko.

Baka matagal na ulit ang sunod nito. Malapit na ang exam eh so enjoy!

Votes and comments please

***********************

"Sean, that's too much. May mali din ako. I slapped her-"

"Good for her then" bakit ba parang wala lang sa kanya ang magtanggal ng empleyado?

Nasa office na nya ulit kami. Nakapulupot pa rin ang braso nya sa bewang ko pero hindi nya ko gaanong kinakausap. Wala kasing ibang lumalabas sa bibig ko bukod sa nangyare kanina.

"Sean naman"

"Wife, please, let the issue go. She deserves it anyway" napabuntong hininga nalang ako.

Sa mga ganitong pagkakataon talaga, hindi ako mananalo sa kanya. Napakaseloso na nga, napakaprotective pa.

"By the way, I'm happy you're here" I was about to answer pero bigla nya kong hinalikan sa labi.

Sa labi

Sa labi

Sa labi

Not that this is something new but he kissed me in front of his men and my bestfriend for pete's sake! Nasa couch lang kami at nasa paligid namin ang mga tauhan nya.

Balak ko sana syang pagalitan pero siniksik nya ang muka nya sa leeg ko at ilang beses syang nagpakawala ng malalim na hininga na nagbigay kiliti sa leeg ko

"I need to charge my love" nawala sa isip ko ang inis ko.

Ramdam ko ang pagod ni Sean. Kahit naman gaano kalakas ang lalakeng 'to, marunong pa rin sya  mapagod.

Nilagay ko ang kamay ko sa likod ng ulo nya at dahan dahang hinimas ito.

"I think you need a rest"

"Nah. You're here and that's more than enough" sunod-sunod na ubo ang narinig namin mula sa bestfriend ko at sa mga tauhan ni Sean.

Nilakihan ko silang lahat ng mata kaya isa-isa nila kaming iniwan.

Kung hindi lang pagod si Sean, siguradong sya ang magpapalayas sa mga ito.

"George..."

"Hmm?"

"I love you" ilang segundo akong natigilan sa sinabi nya pero bumalik din agad ako sa huwisyo ko at napangiti nalang

"Nagiging clingy ka na ata Sean"

"Matagal na...kung pwede lang na ikulong ka sa bahay ko para ako lang ang nakikita mo" I chuckled.

Pati ba naman sa ganitong usapan pumapasok pa rin ang pagiging seloso ng lalakeng 'to.

"You're changing the topic my love. Where's my I love you too?" I chuckled again. He is so cute. Para syang humihingi ng cotton candy.

"I love you too" mas hinigpitan nya ang yakap sakin.

Anong problema nito at biglang naglalambing?

"Is there any problem Sean?"

"Wala. Narinig ko lang ang mga empleyado ko na may gusto na sayo"

Hindi ko sya nakikita pero siguradong nakasimangot na sya ngayon.

"Sean naman. Ikaw naman ang mahal ko"

"Pero gusto ko din na ako lang ang may gusto sayo" kinagat ko ang ibaba kong labi.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon