Pasulyap sulyap akong tumitingin kay Sean habang seryoso syang nagbabasa ng mga files sa desk nya dito sa kanyang office.
Nakita ko kasing may mga trabaho pa syang naiwan kanina sa desk nya kaya ako na ang pumilit sa kanya na tapusin ang mga 'yun. Hindi pa naman ako uuwi eh kaya mahihintay ko pa sya.
'Ang unfair talaga ng mundo. Kahit anong gawin nya, nag-uumapaw pa rin sya sa karisma at appeal tsk tsk'
"Miss George, ikaw na" ibinalik ko ang atensyon ko sa cards.
Wala kasi akong magawa dito kaya pinilit ako nitong anim na sumali sa laro nila. Hindi ko nga alam ang tawag sa larong ito.
Tinuruan lang nila ako kung paano ito laruin. Madali lang naman kaya natuto agad ako. Unggoy-unggoyan ata ang tawag nila dito.
Bumunot ako ng baraha at napangiti ako ng makabunot ako ng king kaya binaba ko ito at ang isa pang king na hawak ko.
Dalawa nalang ang baraha ko haha!
Dahil sa dami namin, mabilis na naubos ang cards kaya nagbunotan kami ng kanya-kanyang cards pero sa kamalas-malasan, natalo ako.
"Hahahaha talo si Ms. George hahahaha" napanguso ako.
Akala ko naman mananalo na 'ko eh. Lakas pang mang-asar ng Chris na 'to. Pasalamat sya cute sya tss.
"Truth o dare?" Nakangiting tanong ni Liam.
Napaisip muna ako bago sumagot. Kapag nag-dare ako, delikado lalo na't sila ang mag-uutos. Puro kalokohan naman kasi ang laman ng mga utak nyan.
Pero pag nag-truth ako, ano naman ang itatanong nila? Hays bakit kasi sumali pa ko dito eh.
"Truth nalang" nagkatinginan sila na parang nagtatanong kung sino ang magtatanong sakin.
Kinakabahan ako kahit wala namang dahilan para kabahan ako. Baka mamaya kung ano pa ang itanong nila sakin.
"Ako na ang magtatanong" mas lalo akong kinabahan dahil sobrang seryoso ng itsura ni Tres.
Bihira ko silang makitang seryoso kaya naninibago ako.
"Kung hindi mo nakilala si boss.... at kami lang.... posible kayang mahulog ka sa isa sa amin?"
Natahimik silang anim at nabura ang mga ngiti nila sa mga labi. Natigilan din ako at lubhang napaisip sa tanong nya.
Kung walang Sean... posible nga ba 'kong magkagusto sa isa sa kanila?
Bigla akong napangiti nang pumasok sa utak ko ang mga characteristic nila.
Si Chris. Sino bang hindi mahuhulog sa kasing-cute nya? Na kapag nginitian ka na at lumabas na ang dimples nya, baka mamatay ka na sa kilig. Sya ang laging may pinakamagaang aura sa kanila na madaling mapakisamahan. Nakakahawa ang kakulitan nya at pagiging positibo at kahit bad mood ka na, mapapagaan nya pa rin ang pakiramdam mo.
Si Tres. Hindi man halata, sya ang pinakamatalino sa kanilang anim. May kalokohan pero gugulatin ka nalang nya bigla kapag sumeryoso na sya. May tinatago syang personalidad na ang hirap hukayin pero pag nahukay mo na, hindi na mabubura sa isip mo.
Si Liam. Happy go lucky at puro kalokohan din ang laman ng utak. Iisipin mo na wala syang pakialam sa paligid nya kung hindi naman sya involve. Sa unang tingin, iisipin mo na ang mahalaga lang sa kanya ay kung paano sya matatawa o sasaya pero hindi talaga sya ganun. Sya yung tipo ng tao na kahit sa sarili nya ay nahihirapan syang umamin na nag-aalala din sya. Sya yung tipo ng tao na uunahin ka bago ang sarili nya kaya hindi sya mahirap magustuhan.
Si Sampson. May espesyal ba kay Sampson? Hahaha joke lang syempre. Hmmm siguro hindi mo maiisip kung anong espesyal sa kanya. Malalaman mo lang 'yun kapag nakasama at nakilala mo na sya ng husto. Sya yung parang wala lang pero meron pala. Yung hindi mo mapapansin kung ano talaga ang espesyal sa kanya kung hindi ka maglalaan ng oras para kilalanin sya ng husto? Weird but interesting, right? Yun yung magiging dahilan kung bakit gugustuhin mo syang makasama hanggang sa hindi mo na namamalayan na nahuhulog ka na pala.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...