This chapter is dedicated to SweetJea28. Hey sweetie, thank you ulit sa walang sawang pagsuporta. Natatawa talaga ako sa comments mo haha. Thank you for sharing your thoughts, darling. This chapter is for you. Alam kong gigil na gigil ka na kay Hannah kaya dinagdagan ko na para sayo. Labya!
At kay ItzzMe_Chris na rin na matigas ang ulo. Sinabi ng wag 'tong basahin. Nakuuuu!
*****************************
"George--" pinakalma ko ang sarili ko bago ko hinarap si Liam. Nag-aalala ang itsura nya at mukang takot na iwanan ko ang boss nila
"Is he okay? Nasaktan ba sya?"
"Hindi. Si Hannah lang talaga ang nasabugan sa braso"
"Sige. Pwede nyo na kaming iwan. Ako na ang bahala dito"
"Pero, George--"
"Tres, minsan na 'kong nagkamali at hindi ko na hahayaang maulit 'yun kaya 'wag na kayong mag-alala. Babawiin ko lang ang akin" tumango silang tatlo at sabay-sabay na umalis. Pinanuod ko silang makaalis pero isang lagabog ang nakaagaw ng atensyon ko. Nanggaling ito sa room nina Sean
"I said stay away from me and from my wife! Kapag iniwan ako ng asawa ko, I swear, gagawin kong impyerno ang buhay mo, Hannah"
Hindi ko alam kung paano nagawang alisin ng mga binitiwang salita ni Sean ang galit ko. Hindi ako pumasok para harapin sila. May nagtutulak sakin na manatiling nakasilip sa kanilang dalawa para pakinggan ang pag-uusapan nila.
"Bakit mo ba 'ko pinagtutulakan? Sean, mahal kita. Please, ako nalang. Bitiwan mo na sya" yumakap sa kanya si Hannah at parang inalis non lahat ng bait na natitira sa katawan ko. Pero tinulak sya ni Sean palayo sa kanya
"Using you was a big mistake, Hannah at hanggang ngayon, pinagsisisihan ko 'yon. Hindi ko magagawang iwan si George para lang ipagpalit sa kahit sinong babae. Kahit ikaw pa 'yun, Hannah. Kahit ikaw pa. Mahal ko ang asawa ko kaya tigilan mo na 'to dahil hindi ako magdadalawang isip na tanggalin ka sa landas namin ng asawa ko kapag humarang ka pa"
"Sean--"
"Ano bang kulang sa sinabi ng asawa ko, Hannah?" Pareho silang napatingin sakin. Tuluyan na 'kong pumasok at sumandal sa pader habang malamig na nakatingin sa kanila.
"Wag kang makialam dito!" Gusto kong matawa. Sigurado ba sya sa sinasabi nya?
"I'm Georgina Michelle Smith-Gates, Hannah. In case you don't know at yang lalakeng 'yan ang nagbigay sakin ng panibagong apelyido now tell me, bakit hindi ako makikialam?"
Wala akong pakialam kung hindi pa kami kasal pero sisiguraduhin kong don din ang punta namin. Pero ngayon palang, aangkinin ko na ang akin at ang mapapasaakin.
"May sasabihin ka pa ba?" Matamis ko syang nginitian bago ko binaling ang tingin ko kay Sean na kanina pa nakatitig sakin.
"Kung wala na, kukunin ko na ang asawa ko. Hon, umuwi na tayo. Nagugutom na 'ko"
"Sean, no" nabura ang ngiti ko nang makita kong niyakap nya ang braso ni Sean. Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumapit sa kanya at ibaon ang mga kuko ko sa braso nya na walang benda.
"Aww! Nasasaktan ako!"
"Wala akong pakialam kung masaktan ka dahil sa sarili mong katangahan. Matagal na 'kong nagtitimpi. Inubos mo ang bait ko at pinatubo mo ang sungay ko. Pagbibigyan kita ngayon, Hannah pero binabalaan kita. Ito na ang huling banta ko"
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
AkcjaGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...