"Hija? Ayos ka lang ba? Hija?" Sa sobrang pagkatulala ko, hindi ko na napansin ang pagpasok ni lola Asuncion sa kwarto ko."Ano po yun?" Bumuntong hininga sya at umupo sa tabi ko.
Sinuklay nya ang mga buhok ko gamit ang mga daliri nya.
"Lola, galit pa rin ba sakin si Sean?" Hindi umimik si lola. Ako naman ang napabuntong hininga.
Bakit pa ba ako nagtatanong? Eh halata naman na iniiwasan ako ni Sean.
Tatlong araw na simula ng dumating si Miko at tatlong araw ko ng hindi nakikita si Sean.
Maaga akong nagigising pero mas maaga syang nagigising. Kapag pupuntahan ko sya sa kwarto nya wala na sya.
Tatlong araw ko na din syang hindi nakakasama sa tanghalian at tatlong gabi na kong naghihintay sa kanya pero nakakatulog lang ako kakahintay.
"Apo, tatlong araw ka ng matamlay. Wag mo namang sisihin ang sarili mo" pero kasalanan ko naman lahat eh.
Kung hindi lang sana ako manhid. Kung naramdaman ko lang sana agad na hindi nya na pala gusto ang mga ginagawa ko.
"Andyan si Miko" tumango ako. Umalis na rin si lola.
Tumayo ako at tumingin sa labas.
Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I'm not that excited to see Miko. Don't get me wrong, it's not that I don't want to see him. But it feels like seeing him is just a normal thing.
Hindi ko na talaga sya gusto
I fixed myself before I went down to face him.
"Hi" ang laki ng ngiti nya. Bakit hindi ako mahawa?
"Hi" Sinenyasan ko sya na umupo pero umiling sya. Binigay nya sakin ang hawak nyang mga bulaklak.
"What is this for?" medyo naiirita na ko.
Lately iba na ang pakikitungo nya sakin. Kung hindi lang kami kilala ng mga tao, pagkakamalan syang manliligaw ko.
At ayoko non. I want us to stay friends.
"George alam mo naman ang nararamdaman ko diba?" Parang nainis ako bigla.
"At alam mo kung ano kami ni Sean! I thought you're my friend? Miko, can't you just-" hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng makita ko ang luhang tumulo sa mata ni Miko.
Heto nanaman ako. Heto nanaman ang pagiging mahina ko. Bakit ba ang hirap hirap para sakin makasakit ng tao kahit hindi ko naman gusto? Kahit kasalanan naman nila?
Nilapag ko ang mga bulaklak at lumapit sa kanya. Hinawakan ko sya sa balikat at pinunasan ang luha nya
"I'm sorry...nakalimutan ko na mahirap din sayo 'to" huminga ako ng malalim
Niyakap nya ko at hinayaan ko sya.
Ayokong makasakit ng kahit sino. Ito daw ang ugali ng mommy ko na namana ko.
Kung pwede lang na sana hindi ako ganito, na sana hindi puro ibang tao ang iniisip ko
"Samahan mo naman ako sa farm nyo" hindi ako sumagot pero parang pumayag na rin ako.
Hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako palabas.
Hindi ako umiimik habang naglalakad kami. Ayokong isipin nya na ayoko syang kasama pero ayoko namang isipin na okay lang ang ginagawa nya.
Hindi ako sigurado sa nararamdaman ko kay Sean pero may deal kami at kahit saang anggulo tignan, mali ito.
"Magandang tanghali po señorita, sir Miko" tumango lang ako sa mga tauhan na mukang ikinagulat nila.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...