TPG VIII

44.5K 1.2K 120
                                    

Kanina pa ko tumitingin sa likod ng sasakyan.

Bakit wala si Sean?

Kadalasan, mga ganitong oras ay sinusundan na kami ng sasakyan ni Sean pero bakit hanggang ngayon wala pa sya?

"May hinahanap ka ba, hija?" Hindi ko napansin na kanina pa pala ako pinagmamasdan ni tatay boy

"Wa-wala po tay" iniwas ko nalang ang tingin ko. Nang-aasar kasi ang tingin ni tatay Boy eh.

Maya-maya biglang tumunog ang cellphone ko. Si dad!

("Hey honey")

"Dad! Bakit ngayon ka lang tumawag?"

("I'm sorry, sweetie. Ang dami ko kasing inaasikaso. Nasa China ako ngayon. How are you?")

"I'-I'm fine" bakit parang ang hirap sabihin na okay lang ako?

("How about your relationship with Sean? I heard you met?")

"Yeah" hinilot ko ang sentido ko. Marami akong gustong itanong kay dad pero alam kong busy sya eh. Sa susunod nalang siguro.

("I'm really sorry hija kung hindi ko nabanggit sayo-Mr. Vice president, magsisimula na po-okay, okay susunod ako. Sorry hija kailangan ko ng umalis. I'll call you when I'm free. I love you")

"I love you too dad. Take care" mas lalo lang akong nalungkot.

Namimiss ko na si dad. Halos dalawang buwan na rin nung huli ko syang nakita. Sobrang busy siguro talaga ni daddy. Nag-aalala tuloy ako kung naaalagaan nya ng ayos ang sarili nya.

"Hija, andito na tayo"

"Sige po, tay" hanggang ngayon wala pa ring Sean ang sumusunod sakin na ngayon nalang ulit nangyare. What happen to him? Did he gave up?

"Pst" nagpalinga linga ako. Sino yun?

"Pst"

"Ayyy!" Bigla nalang may humila sakin bago ako makaliko. Isang lalake na naka-cap, maong at simpleng shirt.

"Hmmm!"

"Aray! Miss George naman" tinanggal ko ang kamay nya na kinagat ko sa bibig ko.

Si Chris lang pala! Akala ko kung sino na. Aatakihin ako sa puso sa lalakeng ito eh

"What are you doing here?" Pasimple akong tumingin sa paligid. Hoping he's with him but he's not.

"He's busy" kinunot ko ang noo ko at nagkunwari akong walang alam sa sinasabi nya.

Damn! I really miss that guy

"Tanggi pa eh. Ako lang naman ito. Pwede kang umamin"

"Isa pa Chris" banta ko. Napakamot nalang sya ng ulo.

"Suplada mo naman Ms. George"

"Your fault. What are you doing here anyway? Wearing those kind of cloths? Wanted ka ba?" Bigla nalang itong tumawa. Seriously? Hindi naman ako nagpapatawa ah!

"Sigurado kasi akong minamadali na ni boss ang trabaho nya para mapuntahan ka kaya nagsuot ako nito. Para pag naabutan nya ko dito, hindi ako mahihirapang magtago" this time, hindi plastik ang pagkakakunot ng noo ko

"Hindi nya alam na nandito ka?"

"Yup. Kaya tara na bago pa tayo maabutan"

"Wait, where are we going?"

"Sa tabi tabi lang. Kakausapin lang kita. Mamaya pa naman ang klase mo" hindi na ko nagreklamo. Nagpahila nalang ako sa kanya at pumayag sa mga gusto nya.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon