A/N: Advance merry Christmas everyone! Last 6 chapters excluding epilogue and special chapter/s for other characters.
Kapag natapos ko na 'to, sisimulan ko na ang pag-eedit nito. May may madagdag o mabawas kaya 'wag kayong magtataka kapag lumabas 'yun sa notif nyo. Yun lang, salamat! Enjoy reading
Don't forget to vote, comment and share this story to your friends. Labyaol
****************************
Inayos ko ang damit ko bago ako pumasok sa kompanya ni Sean. Taas noo akong naglakad at seryosong nakatingin sa daan. May mga napapatigil para lang tignan ako at kapag natatauhan sila, saka nila ako babatiin.
Sa totoo lang, hindi ko inaasahan ang ganitong reaksyon. Hindi naman ito ang unang beses na may tumitingin sakin ng may paghanga pero hindi ko inaasahan na ganito ang kalalabasan ng pag-aayos ko. Kulang nalang, sambahin nila anh dinadaanan ko.
"Ma-ma'am George? Good morning po. You look beautiful, ma'am" matamis akong ngumiti kay Kevin.
"Kamusta ang mga pinapagawa ko, Kevin?"
"Okay na po. Nakuha ko na po ang schedule nyo sa secretary nyo at may ugnayan na rin kami para hindi kayo mahirapan sa pagtatrabaho. Okay na rin po ang table nyo sa opisina ni sir Gates at katulad ng sinabi nyo, sinabi ko po sa kanya na ikaw nalang ang tanungin"
"Good. Thank you, Kevin"
"Welcome, ma'am" inunahan nya 'ko sa pagbukas ng pinto.
Naabutan kong nakatayo si Sean at nakatulala sa bagong table na nasa harap ng table nya. May kaunting pinagbago ang ayos ng office nya para i-adjust ang itsura nito. Nang marinig nya ang pagsara ng pinto, agad syang napatingin sakin na parang wala sa sarili at naguguluhan.
"What...is this?"
"Yan? Table ko. Makikihati muna ako ng office sayo" sabi ko na parang isang normal na bagay lang ang sinabi ko at saka umupo sa swivel chair na para sa akin
"What? Why? What's happening to you?" Hindi ko alam kung bakit ang lambot ata ng ekspresyon nya ngayon. Para syang nag-aalala. Bakit nga ba?
Huminga ako ng malalim bago ako tumitig sa mga mata nya. Damn those eyes! Para akong laging hinihigop.
"Hindi na 'ko magpapaligoy-ligoy pa, Sean. I want us back because seriously speaking, hindi ko alam kung ano tayo. Pinigilan mo 'kong umalis but what for? Gusto kong ayusin kung ano man ang nasira sa atin but you keep on avoiding me. Naguguluhan na 'ko kung mahal mo pa ba ako o hindi but I don't give a fvck! Maybe I look like a desperate girl who's begging for your attention but who cares? Mahal mo man ako o hindi na, wala akong pakialam. Hindi ako aalis sa tabi mo hanggang bumalik ka sa dating Sean na ako lang ang nakikita. You're mine, hon. You hear me? Just mine kaya kung ayaw mong pumutok ang labi ng Hannah na 'yun, mas mabuting 'wag mo syang ipakita sakin dahil kapag uminit ang bait ko, pag-uumpugin ko kayong dalawa"
"George--"
"Wife, hon. You used to call me wife at 'wag mo akong kakausapin hangga't George pa rin ang tawag mo sakin. Magtrabaho ka na. Magkakaanak na tayo kaya kailangan mong kumayod" inirapan ko sya bago ko binuksan ang laptop ko at nagsimulang magtrabaho.
Pilit kong inaalala kung ano nga ba ang kinain ko kanina dahil parang ang gaan ng pakiramdam ko. Ang daming trabahong bumati sakin pero hindi manlang ako nai-stress. Kulang nalang pati laptop ko ay ngitian ko.
Sino ba ang niloloko ko? Alam ko naman kung bakit ako nagkakaganito. Minsan, para din akong baliw. Pati sarili ko, pagtataguan ko.
"Hey, you don't need anything? What about snacks? Juice? Or milk?" Pinilit 'kong wag lumabas ang ngiti na kanina ko pa tinatago.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...