Inayos ko ang earpiece sa tenga ko habang pinuputol nila ang alambre na nagsisilbing bakod ng kuta ng mga terorista. Hindi umabot ng minuto bago sila nakagawa ng daan na pinasukan namin.
Tahimik ang buong paligid at kung pagmamasdan, para lang isang tahimik na baryo ito. Mga mga bahay na gawa sa pinagsamang semento at kahoy na ang bubong ay gawa sa pawid pero karamihan ay kubo.
May mga ilaw sa labas ng mga bahay pero hindi sapat para magbigay ng liwanag sa dadaanan namin.
"Let's go" pagkatapos naming lagyan ng silencer ang mga baril namin, naghiwa-hiwalay na kami para pumunta sa sari-sariling area.
Hindi kami gumawa ng ingay. Nakatulong na rin ang mga suot namin para makakilos kami ng mabilis.
"Area 1, kapag lumiko kayo sa kaliwa, may makakasalubong kayong dalawang lalake na may mga baril" rinig kong babala ni Tres sa earpiece. Ang nasa area 1 ay sina Sampson, Chris at dalawa kong pinsan.
"Hindi manlang kami pinagpawisan" rinig kong pagyayabang ni Zham kaya napailing nalang ako.
"George, may magmumula sa likod mo. Maghanda ka" hindi pa 'ko nakakakilos nang maramdaman ko na pumunta agad si Sean sa likod ko at si Black sa harap na parang hinaharangan nila ang katawan ko.
Sunod-sunod na mahinang putok mula sa baril ni Sean ang narinig ko. Hindi ko na nagawang tignan ang katawan ng binaril nya dahil hinila nya 'ko agad para dumiretso sa area namin.
"Area 2, may makikita kayong nag-iinuman. Apat lang 'yun kaya 'wag nyo ng iwasan"
"Gago ka Tres. Bakit naman namin iiwasan?"
"Bakla ka kasi"
"Ulol! Supot ka"
"Aba, nababakla ka nanaman ata Red. Gusto mo atang makita si Junior"
"Tangina ka" mga mahihinang tawa ang narinig ko sa area mula sa ibang area. Wala talagang pinipiling lugar ang mga ito, tss.
Nagpatuloy kami sa paglalakad. Nakikita na naman ang abandonadong building, ang sentro ng kuta. Malapit na kami nang makarinig kami ng sunod-sunod na putok ng mga baril. Nasisiguro ko na hindi ito galing sa mga kasama ko dahil wala itong silencer.
"Shit! Naglalabasan sila. Mag-iingat kayo! Oh fuck--"
"Tres? Tres? Anong nangyayare dyan? Tres--"
"Okay kami, George--shit! May haharapin lang kami" nakarinig ako ng vibrations sa earpiece na suot ko kasabay ng pagputol ng linya. Hindi na namin naririnig ang mga putok ng baril mula sa iba't-ibang area. Mukang nawala na ang communication namin sa kanila.
"Wife, let's go!" Hinawakan ni Sean ang kamay ko at sabay-sabay kaming tumakbo.
Naglabasan ang mga terorista kaya sunod-sunod ang mga ingay mula sa mga baril. Sunod-sunod din ang paputok namin sa lahat ng nakakasalubong namin.
Hindi naging ganun kahirap para sa amin na marating ang building. Tatlong palapag lang ito pero malaki. Kung hindi pa siguro napasok 'to ni Sean baka natagalan pa kami sa paghanap ng hagdan paakyat.
"Wag kang hihiwalay sa amin, George" tinanguan ko si Black.
Madilim sa loob. May mga ilaw pero dilaw ang kulay nito at parang mapupundi na. Masakit sa mata ang liwanag na nagmumula sa mga ilaw pero nakasanayan ko din.
Pero parang may mali...
Bakit walang sumalubong sa amin na mga kalaban? Bakit sobrang dali naman ata na pasukin ito? Rinig na rinig ang mga putok ng baril kaya imposibleng hindi sila naalarma.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...