TPG XL

24.3K 620 77
                                    


"Lo, tama na po" boses ni Liza 'yun. Ano nangyayare? Bakit parang nagkakagulo?

"Wag nyo 'kong pigilan! Bakit ka ba nandito! Dahil sayo, ilang araw walang malay ang apo ko! Pinagkatiwalaan kita Mr. Gates, pinagkatiwala ko sayo ang apo ko at tanging pakiusap ko lang ay 'wag mo syang sasaktan pero nakita mo ba ang itsura ni Georgina ngayon? Dinaig nya pa ang naubusan ng dugo! Inaapoy ng lagnat dahil sa pagiging gago mo!"

"Lo-"

"Liza, hayaan mo si lolo"

"What? Are you serious, Einstein? Hindi ko na nga mabilang kung ilang suntok ang nakuha ni Sean sa pamilya natin-"

"Wala akong pakialam kahit masira pa ang muka ng gagong 'yan!"

Ano bang nangyayare? Bakit may nagsisigawan? Bakit may mga umiiyak at umaawat?

"Alam namin ang nangyayare sa apo ko sa nakalipas na araw at alam namin na ikaw ang dahilan non. Laging kulang sa tulog at ginugutom ang sarili pero hinayaan namin dahil akala namin lalake ka para ayusin 'to! Pero punyeta! Inapoy sa lagnat na muntik na nyang ikamatay! Mapapatay talaga kitang hayop ka!"

"Looooo!"

Sunod-sunod na lagabag ang narinig ko. Narinig ko din ang mga galit na boses ng mga kamag-anak ko na malalapit sa akin.

"Dad, tama na"

"Isama mo ang mga tauhan mo at umalis ka na dito! Layuan mo ang apo ko kung ayaw mong magkasubukan tayo!"

Sinubukan kong igalaw ang daliri ko at nagtagumpay ako. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Sumilaw sa akin ang liwanag ng ilaw pero unti-unting nasanay ang mata ko.

Nasa Hospital ako

"Oh God! Gising na sya" nilingon ko si tita Vilma na agad na lumabas.

Natuon ang atensyon ko sa pinto na bahagyang nakabukas. Dun nanggagaling ang ingay na naririnig ko kanina na hanggang ngayon ay naririnig ko pa rin. Nakikita ko sa maliit na siwang nito ang mga taong nagkakagulo, mga nurse at guards na umaawat at ang lolo kong galit na galit.

"Itigil nyo na 'yan! GISING NA SI GEORGE!" Biglang tumahimik sa labas.

Sa isang iglap, ang malawak na kwarto ay napuno. Sa pagkakarinig ko, inapoy lang ako ng lagnat pero bakit parang nag-agaw buhay ako sa dami nila?

Lumapit agad sa akin si dad na nag-aalala. Halata sa itsura nito ang puyat.

Sorry dad

"Kamusta ang pakiramdam mo, hija?"

"Ayos na po" mahina kong sagot. Sinubukan kong umupo at agad naman akong tinulungan ng nurse na nasa gilid ko.

"Are you sure? Hindi ka ba nahihilo o sumasakit ang ulo mo? Nauuhaw ka ba, gusto mong uminom? May gusto kang kainin? Ma-"

"Dad, dad ayos lang po. I'm sorry for making you worried"

"Sshhh okay na 'yun. Wag na nating pag-usapan 'yun at baka makasama pa sa kalagayan mo. Just promise me na hindi na mauulit 'yun, okay?"

Hindi ko alam kung bakit pero nasasaktan ako sa mga naririnig ko kay dad. Nasasaktan ako na nagkakaganito sya dahil sa akin.

Bakit ba ganito sila? Ang laki na ng kasalanan ko. Ang tigas na ng ulo ko pero bakit iniintindi nya pa rin ako? Bakit?

"Sorry. Sorry, sorry. Sorry po" hindi ko na napigilang mapahagulgol.

Ilang beses ko na silang sinusuway at ako lang naman ang pwedeng sisihin kung bakit nasa ganito akong kalagayan. Ako lang at wala ng iba pero heto pa rin sila, hindi ako iniiwan. Napakaswerte ko na magkaroon ng pamilyang katulad nila at ng daddy na-

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon