"Hey, ito na 'yung gatas mo. Ayos ka lang?" Nagtataka akong tumingin kay Einstein. Anong ginagawa nya dito?
"Naligaw ka ata? Staka bakit ikaw ang nagdala nyan."
"Nakita ko lang ang secretary mo na dadalhin 'to sayo. Since dito rin naman ang punta ko, kinuha ko nalang," tumango tango nalang ako kahit parang wala naman akong naintindihan sa sinabi nya.
Hindi ko alam kung bakit wala akong maintindihan sa araw na 'to. Walang pumapasok sa utak ko maliban sa babaeng naabutan ko kanina sa opisina ni Sean. Nanggigigil pa rin ako kahit hindi ko naman sila naabutang may ginagawang masama.
Siguro, dala 'to ng pagbubuntis ko. Hindi naman ako ganito noon eh. Hindi naman ako katulad nito na bigla nalang magagalit nang hindi pinag-iisipan.
"Napadalaw ka? May kailangan ka?"
"Wala naman. Gusto lang talaga kitang bisitahin at kamustahin. I went to your house, I mean Sean's house pero wala ka dun. Kaya naisip ko na baka nandito ka sa opisina mo" nag-iwas ako ng tingin. Natutuwa ako na binisita ako ni Einstein pero wala talaga ako sa mood para makipag-usap ngayon. Parang sumasakit ang ulo ko sa hindi malamang dahilan.
"Aren't you busy? Not that I want you here. Pero hindi ba dapat nagtatrabaho ka ngayon?"
"What a nice words to push me away, cousin. Is it bad to visit you?" Hinilot ko ang sentido ko at hindi na umimik. Pagkaalis ko kanina sa opisina ni Sean, dumiretso na 'ko dito at nagtrabaho para kahit papano ay makalimot pero mukang pagod lang ang nakuha ko.
"Nakita ko 'yung babaeng kahalikan ni Sean noon. Nakita ko sya sa mismong opisina ni Sean" tumayo ako at humarap sa glass wall kung saan makikita ko ang city.
Parang kumikirot ang dibdib ko. Dahil ba 'to sa presensya ng babaeng 'yun? Hindi ako sigurado kung may namamagitan sa kanila pero bakit ngayon palang, nasasaktan na 'ko? Ito ba ang larong gusto ni Sean? Laro kung saan ako ang talo? Laro kung saan ako ang masasaktan?
Damn!
"And?"
"And? I see, you don't understand. Nasasaktan ako, Einstein at alam kong mali ako at tama ka sa lahat ng sinabi mo noon. Kasalanan ko ang lahat ng 'to" nagpakawala ako ng malalim na hininga.
Nabalot kami ng katahimikan but minutes later, naramdaman ko ang presensya nya sa likod ko. Hinawakan nya 'ko sa balikat at hinarap sa kanya. I was about to say something pero niyakap nya 'ko at hinalikan sa noo.
"Yan lang ba ang kaya mo, Georgina Michelle Smith? You're a Smith, my cousin. At ang isang Smith, hindi nagpapatalo agad. Look, I'm really sorry for all the thing I've said. My mind was closed and I didn't try to understand your side but everything was not your fault and this is not the right time to find out whose fault it is. Ang importante ngayon, ay kung paano nyo sosolusyunan 'yan" pinakawalan nya 'ko mula sa pagkakayakap at tinitigan sa mga mata.
"Paano? Ang lamig ng pakikitungo nya, Einstein and I'm scared. I can't lose him. I can't. I'll die, Einstein, I surely will"
"Sshhh. Lumaban ka, okay? Wag kang sumuko ng walang ginagawa kundi umiyak at sisihin ang sarili mo. Andito lang ako, okay? Andito lang kami. Mahal na mahal kita, George at pakiusap, huwag mo ng hayaang masaktan ulit ang sarili mo" niyakap nya ulit ako at hinalikan sa buhok. God! I'm so lucky to have him as my cousin.
Pagkatapos ng drama namin, umalis din agad si Einstein. Sumunod na bumisita si Liza at si Cedric na puro reklamo tungkol sa bago nyang secretary na nilalandi daw sya. Hindi nya lang daw ito matanggal sa trabaho dahil ang mommy at daddy nya ang nagpasok dito. Pagkatapos ko silang makakwentuhan, umalis na rin ang mga ito kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na mag-isip.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...