TPG LII

23.6K 602 25
                                    

Nakaramdam ako ng pananakit ng ulo at hindi na naging normal ang paghinga ko. Hawak ko pa rin ang mga litrato na laman ng envelope pero nabitawan ko ito dahil sa pagkahilo.

Napahawak ako sa ulo ko. Halos marinig ko ang malakas ng kabog ng dibdib ko na sinasabayan pa ng pagsakit ng ulo ko.

Napaluhod ako at napahawak sa aking ulo. Sakit ng ulo, hindi makahinga ng ayos at pagkahilo. Bakit bigla-bigla kong naramdaman ang mga ito?

Mas lalong sumisikip ang dibdib ko at parang mauubusan ako ng hangin. Naalala ko noong 5 years old ako na inatake ako ng hika pero pagkatapos non ay wala ng sumunod. Healthy naman ako at ang inaasahan namin ay hindi na ulit ako aatakihin pa.

"Eh boss, anong gagawin natin? Sinisira nya talaga kayo ni--Ms. George? Miss George!" Hawak hawak ko pa rin ang dibdib at ulo ko.

Hindi ko sila makita ng ayos dahil namamasa na ang mga mata ko. Nakilala ko nalang sila dahil sa mga amoy nila pero dahil sa pinagsama-samang matatapang na amoy nila, mas lalo akong nahihilo at mas lalong sumasakit ang ulo ko.

"Wife, wife, listen. Wife! Fuck call an ambulance!"

Gusto kong magsalita pero hindi ko talaga kaya. Pakiramdam ko mapuputulan ako ng hininga kapag nagsalita ako. Mula sa ulo, humawak ako sa damit ni Sean habang ang isa kong kamay ay nanatili sa dibdib ko. Pahigpit ng pahigpit ang kapit ko sa damit nya.

"Fuck! Asan na sina Red?! Damn! Wife, hold on!" Naramdaman ko ang pag-angat ko sa ere. Mas lalong lumabo ang paningin ko hanggang sa unti-unti magdilim ang buong paligid.

Paggising ko, ang nakakasilaw na liwanag agad ang bumungad sa akin. Tumagal ng ilang minuto bago nasanay ang mata ko sa liwanag at bago ko nagawang magmulat ng mata.

Nilibot ng paningin ko ang kwarto at dun ko nakompirma na nasa hospital ako. Si Sean agad ang una kong nakita. Nakaupo ito, hawak ang kamay ko at mahimbing na natutulog. Sunod kong nakita si dad, si Liza, si Cedric at si Einstein na may kanya-kanyang pwesto. Napansin ko din 'yung anim na hiwa-hiwalay ang pwesto.

Natutulog silang lahat. Malaki ang kwarto pero nagmuka itong maliit dahil sa dami namin. Nakakapagtaka na pinayagan ang ganito kadaming bisita.

Inangat ko ang kamay ko at marahang hinaplos ang pisngi ni Sean. Hindi ko na namalayan na may naglandas na palang luha sa mata ko.

Nahihirapan na 'ko sa sitwasyon namin ni Sean. Mahal namin ang isa't-isa at wala akong naaalala na may ginawa kaming mali pero bakit laging may humahadlang? Bakit laging may pumapagitan?

Naalala ko nanaman 'yung envelope. Naglalaman 'yun ng pictures ko at ni Cedric. Mula sa pagpasok namin sa hotel, ang paghalik nya sakin at ang pagpasok namin sa iisang kwarto. Pati ang pictures namin ni Joseph ay nandun.

Nag-aalala ako sa pwedeng isipin ni Sean lalo na sa mga litrato namin ni Cedric. Kung hindi ako ang titingin, siguradong hindi nila maiisip na si Cedric 'yun. Namumula ang muka nya dahil sa kalasingan, magulo ang buhok at tanggal ang ilang butones ng damit. Malayo sa nakilala at nakasanayan naming Cedric.

At kung magpapaliwanag naman ako, baka isipin nya na inunahan ko lang sya dahil nakita ko na ang mga litrato at kung ganun nga ang iisipin nya, hindi ko sya masisisi. Papalamigin ko nalang ang ulo nya staka ko sya susuyuin. Minsan ko na syang sinukuan at hindi na mauulit pa 'yun kahit itulak nya ulit ako.

"George?" Nilingon ko si Liza na hanggang ngayon ay pugto pa rin ang mga mata.

Nag-aalala ako sa kalagayan nya at ng bata. Kung pwede lang bawasan ang problema nya.

Sesenyasan ko sana sya na 'wag maingay pero huli na rin. Isa-isang nagising ang mga kasama namin at pati na rin si Sean. Kinusot pa nila ang mga mata nila bago isa-isang lumapit sakin.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon