Nakangiti kong nilagay ang brownies at ang lunch na niluto ko sa paper bag. Nakakaramdam ako ng kaba pero mas lamang ang excitement na nararamdaman ko.Hindi agad ako nakatulog kagabi kakaisip sa sitwasyon namin ni Sean. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyayare sa aming dalawa. Siguro nga ako ang may kasalanan kung bakit kami nagkakaganito at baka nagkakamali lang ako sa mga iniisip ko na hindi maganda tungkol kay Sean. Gusto kong ayusin 'to sa lalong madaling panahon at gagawin ko ulit lahat ng makakaya ko para bumalik kami sa dati.
Sinundan agad ako ng mga bodyguards ko nang makita nila akong lumabas. Sumakay din sila sa kanilang sasakyan nang sumakay naman ako sa kotse na madalas kong ginagamit. Sinabi ko agad sa driver kung saan kami pupunta at pinaandar naman nito agad ang sasakyan.
Maraming empleyado ang bumati at nagbigay galang sa akin. Ang iba pa ay lumabas ng elevator na sasakyan ko. Hindi man ako komportable sa ginawa nila, hindi ko na din sila pinigilan. Hindi kasi kami magkakasya ng mga bodyguards ko kung pipigilan ko pa sila.
Makalipas ng ilang minuto, narating namin ang floor ng office ni Sean. Napatayo sa gulat ang secretary ni Sean na si Kevin. Bumati ito at bahagyang yumuko bilang paggalang.
"Good morning, madam"
"Tanghali na, Kev. Masyado kang pormal. By the way, where's your boss?"
"He's inside, ma'am" tumango ako at ngumiti.
Sumenyas ako sa mga bodyguards ko na hintayin nalang ako sa labas ng office ni Sean. Pinagbuksan agad ako ni Kevin ng pinto at inalalayan pa 'ko sa pagpasok.
"Sir, your fiancée is here"
Natigilan si Sean sa ginagawa nya. Binitawan nya ang folder na hawak nya at saka kami tiningala. Yumuko ulit si Kevin sa kanya bago kami nito iniwan.
Seryosong nakatingin lang sakin si Sean. Naiilang ako sa tingin nya pero hindi ko tinanggal ang ngiti sa labi ko. Alam kong hindi pa kami okay pero hindi ko naisip na haharapin nya 'ko ng ganitong kalamig. Parang may kutsilyong sumaksak sa dibdib ko pero pinipilit ko pa ring maging positibo.
"What are you doing here?" Pormal na tanong nya. Nawala ang ngiti sa labi ko pero binalik ko rin agad ito.
What am I doing here? Hindi ba dapat natutuwa ka na nandito ako? Nakalimutan mo na ba kung ano mo 'ko at parang napakaimposible sayo na nadito ako?
"Ah...Dinalhan kita ng brownies at lunch. Baka-"
"Kumain na 'ko and I'm too full to eat those foods"
Para akong napahiya sa sarili ko. Parang ayaw nya sa mga niluto ko. Hindi man 'yun ang sinabi nya pero 'yun ang dating sa akin.
Gusto ko ng maluha pero pinigilan ko. Ngumiti ako at pinakita kong okay lang. Baka mali lang ang iniisip ko. Baka busog lang talaga sya. Wag ko na sigurong pilitin at baka mag-away pa kami dahil dito.
"G-ganun ba?"
"May kailangan ka pa ba?"
Bakit pakiramdam ko gusto mo 'kong paalisin?
"W-wala na. Uuwi na ko, may kailangan pa pala akong gawin"
"Ingat" hinarap nya ulit ang folder na binabasa nya kanina. Hindi na nya 'ko tinapunan ng tingin kaya napahiyang lumabas nalang ako ng office nya.
"Ma'am? Aalis na po agad kayo?"
Buti ka pa Kevin, mukang nanghihinayang sa pag-alis ko
"Ah oo, busy ang boss mo eh"
"Po? Kailan pa po sya naging busy kapag nandito kayo? Pero sige po, mag-iingat po kayo ma'am" tumango ako at saka tinalikuran sya.
Nakakailang hakbang palang ako ng may naalala ako. Humarap ulit ako sa kanya at lumapit.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...