Pinagmasdan ko ang mahimbing na pagtulog ni Liza sa kama ko. Bukod sakin, wala na syang kinausap kaya dito ko na sya pinatulog sa kwarto ko para makapagpahinga ng ayos.
Naaawa ako sa kanya. Alam ko na mali ang ginawa nya pero hindi ako sang-ayon sa mga ginawa ni tito Anthony kanina. Natatakot tuloy ako na ibigay sa kanila si Liza, baka kung ano pa ang magawa ni tito sa pinsan ko.
"Georgina" nilingon ko si dad. Hindi ko manlang namalayan ang pagpasok nya sa kwarto ko.
"Dad? Bakit gising pa po kayo?"
"Ako dapat ang nagtatanong nyan sayo. Kamusta ang pisngi mo?" umupo si dad sa tabi ko at hinawakan ang pisngi ko na nasampal ni tito Anthony.
"Okay na po" pagsisinungaling ko.
Ang totoo, medyo mahapdi pa rin. Galit na galit si tito Anthony nang sampalin nya 'ko kaya hindi na 'ko magtataka kung bukas pa mawala ang sakit ng pisngi ko.
"Good. Magpahinga ka na rin. Goodnight, princess" humalik sila noo ko si dad at akmang lalabas ito nang tawagin ko sya.
"Yes?"
"Thank you for everything, dad. I love you"
"I love you more, hija. Kaya 'wag mong hahayaang saktan ka ng iba para hindi lumabas ang demonyo sa loob ko. Goodnight, just call me if you need me" at umalis na nga ito
Napabuntong hininga ako at hinawakan ang pisngi ko na nasampal. Namumula pa rin ito kahit tinakpan ko na ng make-up para itago. Hindi mawala sa isip ko ang itsura ni dad kanina.
Galit na galit ito at parang makakapatay na ng tao. Halos mamula ang mga mata nito sa galit at grabe ang pag-igting ng panga nito pero hindi akk nakakaramdam ng takot.
Siguro dahil alam kong mabait naman talaga si dad at nangyare lang 'yun dahil nasaktan ako sa harap nya.
I was about to lay in my bed when my phone suddenly rang.
"Hello?"
"George" Cedric?
Tinignan ko ang screen at nakumpirma ko na si Cedric nga ang kausap ko. Sumisinghot singhot ito na parang umiiyak at parang...lasing?
"What's wrong?"
"Alam na ng pamilya ko, George. Alam na nila" natigilan ako
"Asan ka" mabilis akong kumuha ng jacket. Kinuha ko na rin ang susi ng kotse ko at tinakbo ang hagdan.
Hindi ko na kailangang tumakas ngayon dahil pwede na 'kong umalis ng mag-isa. Pinaharurot ko ang kotse sa bar na sinabi ni Cedric kanina.
Agad na hinanap ng mata ko kung nasaan sya. Sa dami ng tao at dilim ng bar, nahihirapan akong maghanap at bukod dun, may mga ilang lasing din na humarang sakin. Mabuti nalang at nakilala ako ng isa sa mga bouncer kaya sinamahan nya ko para mahanap si Cedric.
"Ced" niyugyog ko si Cedric na mukang kanina pa umiiyak. Tumingala ito sakin at mas lalong humagulgol nang makita ako.
"George!" Agad na yumakap ito sakin.
Hindi nakaligtas sa akin ang pasa nya sa gilid ng labi. May mga pasa din ito sa braso at namamaga ang kamao nito.
Hinagod ko ang likod nya, nagbabakasali na baka makatulong sa bigat ng nararamdaman nya. Ito lang ang kaya kong gawin sa ngayon at hindi ko alam kung paano ko sila matutulungan ni Liza. Paano ko naman sila matutulungan kung ang sarili nilang pamilya ang kalaban nila?
"Come, Iuuwi na kita"
"No! Papatayin ako nina daddy at kuya, George. Please no" parang tinusok ang dibdib ko sa nakita kong takot kay Cedric.

BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
AksiGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...