TPG LVIII

22.3K 468 52
                                    

Dedicated to: Remz_diego04 (hindi ako marunong magdedicate sa mismong chapter. Mobile ang gamit ko)

Sa lahat po ng gustong magpadedicate, feel free to ask me. Muah😘

Warning: May part na (medyo?) SPG. Lagpasan nyo nalang kapag pumaibabaw na hahaha. Ituloy nyo nalang sa part na may ganito--->

.
.
.
.
.
.
Kung trip nyo namang basahin, go lang.

******************************

"Sshhh. Tahan na. You're safe now"

I'm not. Hangga't hindi namamatay ang mga taong nasa likod nito, hindi ako magiging ligtas. Hindi kami magiging ligtas ng anak ko.

"Please. Hindi makakabuti sa bata ang pag-iyak" natauhan ako sa sinabi nya.

Kahit mahirap, pinigilan kong maiyak. Pinilit kong tanggalin ang takot sa dibdib ko. Nanginginig pa rin ang kamay ko kaya ginagawa ko ang lahat para kumalma ako.

"Si sir Ernest ba ang may gawa nyan? Sabihin mo sakin, sila ba?"

"Hindi ko alam. Simula ng ginawa nila sayo, lumayo na 'ko sa kanila"

Hindi ko nakikita ang muka nya pero nakikita ko na nagsasabi sya ng totoo. Wala sa sariling napayakap ako sa kanya at nakakahangang kumalma ako bigla.

Utang na loob ko sa kanya ang buhay namin ng anak ko. Kung wala sya, siguradong naabo na 'ko.

"Salamat, Black. Salamat"

Nakaramdam ako ng pagkahilo. Hindi na bago ang pakiramdam na 'to sakin pero ang pinagkaiba lang, hinaluan ngayon ng antok. Parang kahit anong oras, sasara ang mata ko para matulog hanggang sa magdilim ang lahat.

Naalimpungatan ako nang makaramdam ako ng malambot na kamay na humahaplos sa pisngi ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.

Nasa bahay na 'ko

"Black" katulad ng dati, may suot pa rin syang maskara. Ngayon ko lang napansin na pareho sila ng mata ni Sean.

"Paano mo 'ko nadala dito?" Imposibleng sya mismo ang nagdala sakin dito. Siguradong magtataka ang mga tao dito dahil sa suot at maskara nya.

"May inutusan ako na dalhin ka dito. Bumisita lang ako para alamin ang kalagayan mo"

Tumingin ako sa labas. Totoong nagulat ako nang makita ko na madilim na at nang tumingin ako sa orasan, mas lalo akong nagulat ng makita kong 10:45 pm na.

Mabuti ba sa buntis ang mahabang tulog?

"Black, salamat. Maraming salamat"

Hindi ako nag-alinlangang yakapin sya. Sandali kong nakalimutan ang mga ginawa nyang hindi maganda. Ang nasa isip ko lang ngayon ay sya ang taong nagligtas sakin.

Habang magkayakap kami, biglang bumukas ang pinto at niluwa nito si Sean. Nahuli nya kaming magkayakap ni Black kaya hindi imposibleng nag-iisip na sya ng hindi maganda.

Wala akong pakialam. Napapagod na 'kong makipagtalo sa kanya.

"Iwan mo muna kami" tumango si Black bago umalis.

"Anong kailangan mo?" Mahinahong tanong ko kay Sean.

Sinalubong ko ang mga mata nyang may galit at selos. Ayoko ng makipagtalo sa kanya. Ayoko na syang sisihin sa mga nangyayare pero hindi ibig sabihin non ay babalik na 'ko sa kanya.

"I was so fucking worried and so fucking guilt dahil hindi ko nasagot ang tawag mo. Mula sa Laguna, lumuwas pa 'ko papunta dito only to see that you're happy with someone"

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon