TPG XI

45.7K 1.1K 93
                                    


"Mamimiss kita anak"  kahit anong gawin ko ayaw pa rin tumahan ni nanay Celia. Ganito na sya noon sa tuwing aalis ako. Masyado na siguro syang napalapit sa akin.

Sinarhan ko na ang bags na dadalhin ko at lumapit kay nanay Celia.

"Nay naman. Kina lola lang po ako pupunta eh. Tahan na po" tumango tango sya pero patuloy pa rin ang pagtulo ang luha nya.

"Matanda ka na nga Celia, napakaiyakin mo pa" binato ni nanay Celia si tatay boy ng tsinelas.

Nasa baba na ang mga gamit ko na dadalhin sa probinsya nina lola. Hihintayin ko nalang sina Einstein, Liza, Sean at mga tauhan nito.

Pinahanda ko na ang van na sasakyan namin.

"Hija, andito na ang nobyo mo" pakiramdam ko biglang nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi ni tatay boy.

Hindi pa naman ako nagkwekwento sa kanila. Nakita lang siguro nila ang pagbabago ng ugnayan namin ni Sean.

Lumabas ako agad. Kumunot ang mga noo ko ng makakita ako ng walong mamahaling sasakyan na pinapangunahan ng bago nanamang sasakyan ni Sean.

Sinalubong ko agad sya ng yakap at halik sa pisngi. Ewan ko ba, nagugulat nalang ako sa sarili ko. Feel na feel ko kasing maglambing lagi sa kanya eh.

"Miss George ako din" binuka na ni Chris ang mga braso nya. Handa na kong yakapin sya pero heto nanaman ang pagiging seloso ni Sean.

Hinila nya ko at sya ang yumakap sakin ng mahigpit.

Sayang. Ang cute pa naman ni Chris nung humihingi sya ng yakap.

"Chris"

"Nagbibiro lang naman ako boss" ngumuso ito. Ang cuuute!

"Uhm Sean?"

"Yes, wife?" Hindi ko nalang pinansin ang endearment nya.

"Kung gusto mong makuha ang approval ng mga lola ko, we better use one van" hindi yung parang aangkinin nila ang daan dahil sa walong sasakyan na ihaharang nila.

"At Van nalang namin ang gagamitin" sabi ko agad. Sa itsura nya kasi parang may balak syang bumili ngayon ng mamahaling van

"Okay"

"Hihintayin nalang natin sina Liza at Einstein- mukang andito na sila"

May pumasok na kotse. Hindi tinted ang salamin kaya nakita ko agad na sina Liza at Einstein ang sakay nito.

Unang bumaba si Liza at padabog na sinarhan ang pinto. Sumunod si Einstein na mukang galit din.

"Wala akong sinabi na sunduin mo ko!" Heto nanaman po sila. Dinaig nanaman nila ang aso't-pusa.

"Ewan ko sayo Liza! Kahit kailan hindi ka marunong magpasalamat. Sana nahawahan ka manlang ni George kahit kaunting bait"

"Wag mong idamay ang pinsan ko dito!"

"Pinsan ko din sya"

"Pe-"

"EHEM!" hindi ba nila napansin na may siyam na tao dito na kanina pa nanonood sa pagtatalo nila.

"Oh! Hi George" parang walang nangyare. Masigla akong niyakap ni Liza at humalik sa pisngi ko.

"Hi. Sorry for that" yumakap din sakin si Einstein pero hindi nagtagal dahil hinila agad ako ni Sean.

"Hi Liza" nagkatinginan si Liza at Red. At base sa mga titig nila, parang may pinagsamahan sila na hindi namin alam.

"Tara na?"

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon