TPG XLVIII

25.6K 626 99
                                    

A/N: Wala na pong book 2. Dito ko na isasama lahat kaya mapapahaba pa 'to. Sorryyyy

Warning: May part na medyo SPG haha

****************************

"I want a reason to live. I want a reason to return safely. Gusto ko ng babalikan, George. I know I made stupid decisions which until now I still regret and I can't afford to lose you, my love. Please, let allow me to call you wife again. Allow me to love you like before or more than before. Allow me to grow old with you and spend the rest of my life with you. Georgina Michelle Curtis...will you allow me to be your possessive husband? Will you marry me?"

Oh shit! Fuck! Damn!

Nasabi ko na ata sa utak ko lahat ng mura na alam ko. Pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko at nanginginig ang mga kamay ko. Namamasa ang mga mata ko pero sa hindi malamang dahilan, walang luha ang tumutulo. May kung ano sa tiyan at dibdib ko ang nagbibigay sakin ng hindi maipaliwanag na pakiramdam.

Sa di malamang dahilan, bumalik sakin ang lahat ng alaala naming dalawa. Mula sa araw na hinarang nya kami ni Einstein, sa mga panahon na wala akong maramdaman sa kanya kundi inis, mga panahong unti-unti na 'kong nahulog hanggang sa tuluyan ko syang mahalin at ang mga panahon na nagdusa ako sa sakit.

Kumirot ang dibdib ko. Parang bumalik ako sa mga panahon na nasasaktan ako dahil sa kanya. Parang nagising ako sa realidad at sinampal ng katotohanang hindi kami kasing perpekto ng iniisip ko. Hindi umabot sa expectations ko. Dahil kahit gaano pa sya katalino, kagwapo, kayaman at kahit gaano nya pa 'ko kamahal ay masasaktan at masasaktan nya 'ko.

"Wife?" Hindi ko makapa ang mga salitang angkop na isagot sa kanya.

Napanood ko kung paano sya napayuko at natulala sa sahig. Hindi pa 'ko nagsasalita pero mukang nabubuo na sa isip nya ang sagot na hindi ko alam kung magtutugma sa iniisip ko. Pinanood ko ang pagbagsak ng balikat nya at hindi ko inaasahan ang pagtulo ng ilang butil na luha sa sahig.

Nakayuko sya pero malinaw sakin ang nangyayare. Umiiyak sya, bagay na hindi ko maintindihan. Sa tagal na nagkasama kami, ngayon ko lang syang nakitang umiyak.

"I'm really sorry for wha--" hindi ko na pinigilan ang sarili kong lumuhod din para magkapantay kami.

Niyakap ko sya ng mahigpit, mahigpit na mahigpit. Hindi ko na naisip kung makakahinga pa ba sya ng ayos o hindi. Basta gusto ko lang syang yakapin. Gusto kong kahit papano ay mabawi ko ang mga oras na nasayang namin dahil sa pagtatalo.

"Yes, yes hon. I will marry you"

Ramdam ko na natigilan sya. Humiwalay sya sa pagkakayakap sa akin para tignan ang muka ko kung sigurado nga ba ako. Nakangiti akong tumango at pinakita sa kanya na wala akong pag-aalinlangan sa naging sagot ko.

Wala na 'kong pakialam kung masaktan ulit ako kahit paulit-ulit pa...wala na kong pakialam kahit hindi masagot ang mga tanong ko na nabubura dahil sa paglipas ng panahon... mahal ko sya at 'yun ang alam ko. Susugal ako ng paulit-ulit. Masasaktan ako, magagalit o kamumuhian sya pero sa huli ay papatawarin ko sya at tatanggapin ulit

"Geor-"

"Wife. Wife, hon--" mabilis nyang hinapit ang bewang ko at sinunggaban ng halik.

Hinayaan ko syang sakupin ang labi ko at angkinin ito. Kanya naman talaga 'to. Sinagot ko ng walang pag-aalinlangan ang halik nya at sinabayan ko ang bawat pagkilos nito.

Hindi ko alam kung paano at kailan kami tumigil. Wala na 'kong maalala bukod sa masarap na pakiramdam na naidulot nito
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

The Possessive GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon