"Nakakaloka ka na ha! Maktol ka ng maktol dyan eh bakit hindi mo puntahan?" Araw ng linggo at walang pasok. I'm inside of my room with my gay bestfriend kaya naiilantad nya ang totoo nyang pagkatao.
Kami lang naman kasi ang nandito kaya umaabot na ng mars sa taas ang kilay nya. Kanina nya pa ko pinapagalitan.
Kanina pa kasi ako wala sa mood. Buong araw ko kasing hindi nakita si Sean dahil sa dami ng trabaho na naiwan nya. Masama bang mamiss ko sya?
"Eh kung ayaw mong marinig ang pagmamaktol ko, umuwi ka nalang" kanino pa ba ako magmamaktol?
Kay Liza na wala ng ibang bukambibig kundi si Red?
Kay Joseph na halatang kumukulo ang dugo kay Sean?
Kay Einstein na kapag pag-uusapan namin si Sean ay kulang nalang sabihin na aagawin ako sa kanya ni Sean?
Hays. Wala na nga akong masabihan eh. Ayoko namang magsabi sa mga kamag-anak ko. Baka maweirduhan sila sakin dahil ngayon lang ako nagkakaganito dahil sa isang lalake.
"Aba bruha ha.. Tumataray ka na ah" I rolled my eyes. Wala na rin akong mapapala sa lalak-baklang ito ngayon. Palibhasa puro babae ang naghahabol.
"Hays. Sige na. Puntahan na natin sa kompanya nya" pakiramdam ko nagningning ang mga mata ko sa narinig ko.
Naisip ko rin naman na puntahan nalang si Sean kaya lang wala akong kasama sa pagpunta dun. Sinabi naman na nya sakin kung saang kompanya sya madalas namamalagi.
"Talaga? Sasamahan mo ko?"
"Oo na kaya magbihis ka na" para akong bata na napapalakpak sa tuwa. Bigla ata akong naging moody no?
Pinagtulakan ko na si Cedric papalabas ng kwarto ko para makapagbihis na agad ako.
Inabot pa ko ng mahigit isang oras sa pagpapalit. Bakit parang bigla akong nahirapan sa pamimili ng damit? Natagalan din ako sa pag-aayos ng buhok at mukha ko. Pati nga sa pagpili ng pabango na gagamitin ko eh.
Ganito ba talaga kapag nagkagusto ka sa isang tao? Maraming magbabago sayo?
"Susko! Akala ko aabutin tayo ng world war 3 bago ka bumaba" hindi ko na pinansin ang reklamo ni Cedric. Sa halip, hinila ko nalang sya papunta sa sasakyan namin.
Hindi na si tatay Boy ang driver ko. Kumuha kami ng mas bata at may alam sa self defense. Simula ng nangyare, ayoko ng pagmanehohin si tatay Boy.
Natatakot ako para sa kapakanan nya. Napamahal na sakin si tatay Boy kaya ayokong mapahamak sya. Sa ngayon ay nanatili sya sa bahay.
Hanggang ngayon, hindi pa rin mabura sa isip ko ang mga nangyare. Natatakot ako. Pakiramdam ko kasunod ko lagi ang panganib. Pakiramdam ko, kahit anong oras ay may kukuha sakin.
Mas natatakot ako na baka mangyare yun kapag kasama ko ang mga taong mahahalaga sakin. Ayoko sanang madamay sila sa mga panganib na kahaharapin ko.
Ang tanging pinanghahawakan ko nalang sa ngayon ay si Sean. Sa kanya nalang ako humuhugot ng lakas at tapang bukod sa pamilya at mga kaibigan ko.
"Hoy bakla, andito na tayo" saka lang ako bumalik sa tamang huwisyo. Pinilit kong alisin sa utak ko ang mga iniisip ko kanina at nakangiting bumaba kasama si Cedric.
Dahil madami nanaman ang tao, balik nanaman sa pagpapanggap si Cedric. Minsan, naaawa na talaga ako sa kaibigan kong 'to. Alam kong nahihirapan na sya.
Nakaramdam ako ng kakaibang excitement at kaba ng makapasok na kami sa loob ng kompanya ni Sean.
Wala namang problema kay Sean kung pupunta ako dito. Sya pa nga ang namimilit na pumunta ako dito pero kasi... hays ewan!
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
AzioneGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...