Mag i-isang oras ko na atang tinitignan ang gown na isusuot ko mamaya para sa debut ko. I still can't believe that a beautiful gown like this exists.
This is very elegant at sa unang tingin halatang mamahalin ito especially if you are an expert in stones. I researched about the stones used in this gown at bigla akong nanlumo sa presyo. Hindi bababa sa 36 million ang presyo ng gown na 'to which is I can't understand.
Alam kong pinaghandaan talaga ni dad ang debut ko but knowing dad, he won't spend this amount just for my gown. For sure ibibigay nalang nya sakin 'to for my future.
I asked him several times about this pero hindi nya 'ko sinasagot o kaya sasabihin nya lang sakin na mahal na mahal nya ko. One thing I am sure about, he is hiding something.
Nag-iisa akong anak ng vice president. My mom died when I was born. My mom chose me instead of taking the operation she needed to save her life from her disease but despite of what happened, my dad never blamed me.
Wala kahit isa sa pamilya o sa kahit kamag-anak ko ang sumisi sakin.
"Ang ganda ganda mo hija," kanina pa ata ako pinupuri ni ninang. Ako dapat ang nambobola sa kanya dahil asawa sya ng current president.
"Your dad is here. Mauna na ko sa venue ha?" nagbigay galang ang mga make up artist sa dad ko na posturang postura ngayon.
"My beautiful princess is now a gorgeous lady," I pouted and hugged him.
"I really love your perfume, dad," ito na ang pabango nya noon pa man. Mas madalas ko syang niyayakap para lang maamoy ang pabango nya.
"Dapat na ba 'kong magtampo?" I chuckled. Inayos ko nalang ang necktie nya.
"Ang gwapo talaga ng daddy ko."
"Bolera kang bata ka,"
"Mana lang po sa inyo," we both chuckled. Tumitig sya sa akin at hinaplos ang pisngi ko.
"Mahal na mahal kita anak and I know your mom never regretted that she sacrificed to save you. By the way, for you," hindi ko na alam kung ilang beses pa ba kong masusurpresa ngayong gabi.
Necklace ang binigay sakin ni dad. Necklace with a pendant that made in diamonds. Real diamonds.
"But dad this is too much. Mahal 'to," pinatalikod nya 'ko at sinuot sakin ang necklace na bumagay sa white gown ko.
"Ito na nga lang ang ginastos ko eh."
"What do you mean, dad?"
"Mauuna na ko sa party. Bye hija," naguguluhan na talaga ako sa mga kinikilos ng tao ngayon.
Isang limousine ang sumundo sakin at nagdala sa venue. Ang pinsan kong si Einstein ang nag-escort sakin.
"Ano ba Einstein? Bakit hindi ka mapakali?"
"Kailangan na talaga kitang ilayo,"
"What?"
Buong party na ganun si Einstein. Hindi mapakali at madalas tumitingin sa paligid.
"What the hell is your problem?"
"Tomorrow is your flight, Georgina. Kailangan kitang mailayo sa Pilipinas," natataranta nyang sabi. Hindi nanaman sya mapakali.
BINABASA MO ANG
The Possessive Gangster
ActionGeorgina Michelle Smith. From the family of politicians and generals and also the Unica hija of the current vice president kaya napagkait sa kanya ang simpleng buhay but this is not a problem for her because she used to live in this kind of life han...